• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA

SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

 

 

Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño.

 

 

Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000.

 

 

Batay sa datos, nasa 58,000 hectares naman ng palayan ang lubhang naapektuhan dahil sa matinding tag-tuyot.

 

 

Samantala, iniulat naman ng DA na umabot na sa P2.18 billion pesos ang naipamahaging ayuda at interventions ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensya ng gobyerno sa mga magsasaka na apektado ng tagtuyot.

 

 

Kabilang dito ang rice farmers financial assistance o ang pamamahagi ng 5,000 pesos sa bawat magsasaka na may sinasakang palayan na hindi tataas sa dalawang ektarya.

 

 

Nakapamahagi na rin ng P700 million pesos na halaga ng mga inputs tulad ng pump and engine, P68 million naman ang naipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation para sa indemnification o insurance claim, at mahigit P10 milyon naman ang naipamahagi ng Agricultural and Credit Policy Coucil para sa Survival at Recovery loan.

 

 

Ang National Irrigation Administration o NIA ay may inilabas na ring 300 million pesos para sa intervention sa mga irigasyon. (Daris Jose)

Other News
  • JULIA, hiyang-hiya sa titulong ‘Princess Royalty of the Century’ dahil sa pressure at mataas ang expectation

    ‘DRAMA ang ibinigay na title ng Viva Films si Julia Barretto.     Nahiya daw si Julia sa title na ibinigay sa kanya.     Well, dapat lang naman siyang mahiya kasi hindi siya deserving of such tag.  Maski si Julia ay batid na masyadong mataas ang expectation na nakakabit sa nasabing tag.     […]

  • Ivermectin, hindi napatunayang may naibibigay na benepisyo para makagamot ng COVID-19

    INIHINTO na ang pag- aaral tungkol sa Ivermectin na una ng sinabing nagsisilbing gamot sa COVID-19.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Task Force against COVID 19 Medical Adviser Dr Ted Herbosa na napatunayan na kasi sa mga pag- aaral na walang epekto ang naturang gamot sa COVID 19.     […]

  • NBA: Pinalakas ni Domantas Sabonis ang Kings laban sa Warriors

    Nagtala si Domantas Sabonis ng 26 puntos, 22 rebound at walong assist para tulungan ang Sacramento Kings na iposte ang 122-115 panalo laban sa bisitang Golden State Warriors noong Linggo ng gabi.   Nag-ambag si De’Aaron Fox ng 22 puntos, walong assist at tatlong steals at si Keegan Murray ay may 21 puntos at tatlong […]