P5 MILYON IPINAGKALOOB NG LUNGSOD QUEZON SA ‘StartUp’ FINALISTS
- Published on August 15, 2023
- by @peoplesbalita
LUNGSOD QUEZON – Ginawaran ng Lungsod Quezon ng P1 milyon kada isa ang limang finalists sa ilalim ng StartUp QC nitong Biyernes, Agosto 11.
Ang inisyatibo ng Lungsod Quezon ay inilunsad noong Oktubre 2022 para suportahan ang mga umiiral na early-stage startups sa pamamagitan ng ibat-ibang training at mentoring sessions, industry exposure at networking events.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang mga pamahalaang lokal ay dapat lumikha ng inclusive environment na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad ng lahat ng uri ng negosyo. “Nasa interes ng lahat ng sektor na magkaroon ng lungsod na kung saan ang bawat isa ay may kumpyansa na magtayo ng kanilang negosyo anuman ang kanilang ideya na makakalikha ng trabaho, magtutulak sa ekonomiya sa kanyang pinakatodong potensyal at tulong sa bawat mamamayan na mamuhay na kanilang pinapangarap,” wika ni Mayor Belmonte.
Ang Lungsod, kasama ng kanyang partners, ay handang maki-collaborate sa mga startups at ipakilala ang kanilang ideya sa merkado. Ang kanilang tagumpay ay babalik sa paglago ng komunidad at lungsod,” dagdag nya.
Ang mga napagkalooban ng P1 milyon ay ang Bamboo Impact Lab, Eduk Sine Production Corporation, Indigo Artificial Intelligence Research Inc., Itooh Homestyle at Wika.
Ang mga kumpanyang ito ay tumanggap din ng iba’t ibang business at technical trainings sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology, Department of Trade and Industry, Quezon City University, Ateneo de Manila University, Miriam College, Thames International, Technological Institute of the Philippines at University of the Philippines, at Launchgarage. (PAUL JOHN REYES)
-
Salamat sa inyong pagtitiwala
LABIS pasasalamat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa patuloy na pagtitiwala sa kanya matapos makakuha ng mataas na performance rating batay sa December 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS). “Nakakatuwa po ang patuloy na tiwala na ibinibigay ng ating mga kababayan sa aking kakayahan bilang senador. Nakakaalis po ng pagod […]
-
SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION
Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino. Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang […]
-
Naghatid-tulong din sa mga nasalanta ng bagyo: Sen. IMEE, nagbigay-pugay sa mga guro kasama ang anak na si MICHAEL
BIDANG-BIDA ang mga guro at serbisyo publiko sa pinakabagong vlog entries ni Senator Imee Marcos sa kanyang official YouTube Channel. Nitong Oktubre 5 (Miyerkoles), nagbalik si Attorney Michael Manotoc kasama ang kanyang ina habang pinagdiriwang nila ang World Teacher’s Day. Ginunita ng mag-ina ang kanilang makulay na mga karanasan bilang mga estudyante at […]