• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5 taas-pasahe sa jeep inihirit ng transport group

NANAWAGAN  kahapon ang transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEJODAP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nila na P5 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

Ayon kay FEJODAP president Ricardo “Boy” Rebaño, umaasa silang aaksiyunan ng pamahalaan ang kanilang kahili­ngan upang maibsan ang kanilang matagal nang pagdurusa.

 

 

“Kami naman po’y natutuwa na nakakapag-serbisyo kami ng kapwa nating Pilipino. Pero sana naman po, ‘yung ating pamahalaan, ‘wag kaming panoorin nang panoorin sa aming paghihirap na dinaranas namin. Umaksyon naman kaagad sila,” aniya pa.

 

 

Sinabi ni Rebaño na nakatakdang magdaos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pagdinig hinggil sa apela nilang ?5 dagdag sa pasahe sa Marso 8.

 

 

Sa petisyong ito, ang adjustment kada kilometro na lampas sa apat na kilometro ay nasa ?1.50.

 

 

Pahayag pa ni Rebaño, magiging malaking tulong sa kanila kung maaaprubahan ang naturang petisyon.

 

 

Kumpiyansa naman si Rebaño na makatutulong din sa kanila kung mailalagay na nga ang bansa sa Alert Level 1 ngayong Marso, mula sa kasalukuyang Alert Level 2.

 

 

Nakatakdang magpatupad muli ang mga oil company ng panibagong pagtaas sa ­presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.  Ito na ang ikasiyam na sunod na linggong may oil price hike.

Other News
  • ROCCO, umamin na si MAX ang pinakamasarap na nakahalikan sa teleserye

    SA December na raw magkikita ulit ang buong Legaspi family kaya hindi mapigilan ni Carmina Villarroel na muling maging emotional sa kanyang recent post sa Instagram.   Nagsimula na kasi ng lock-in taping si Cassy Legaspi para sa second season ng First Yaya na First Lady na bida si Sanya Lopez at Gabby Concepcion.   […]

  • 2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2

    INIHAYAG  ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023.     Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay […]

  • Sec. Duque, may karapatan sa due process sa harap ng ibinabatong akusasyon laban sa kanya

    HINDI dapat ipagkait kay DOH Secretary Francisco Duque lll ang karapatan nito na mabigyan ng due process sa gitna ng mga kinakaharap nitong kontrobersiya. Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na amoy pa lang ng korupsiyon ay may ipapataw ng aksiyon sa mga nadadawit sa iregularidad. […]