• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P500k hanggang P4m penalty sa lalabag sa data privacy

TINATAYANG aabot sa P500k hanggang P4 milyong piso ang posibleng kaharaping penalty hinggil  sa paglabag sa data privacy alinsunod na rin sa kamakailan lamang na nilagdaang SIM card registration Act.

 

 

Ito ang inihayag ni DICT Secretary John Ivan Uy sa Laging Handa public  briefing  sa gitna ng ginagawang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng SIM card registration Act.

 

 

Ani Uy, kailangan lang na mai- outline kung anu- anong paglabag ang babagsak sa  range ng penalty na ipatutupad ukol sa bagong batas na kung saan ay tinitiyak na mapapangalagaan ang data privacy ng isang nagmamay- ari ng sim card.

 

 

Responsibilidad aniya ng mga telcos ang pag- iingat ng anumang impormasyon ng kanilang subscribers.

 

 

Ang mga ito aniya ang primary repository ng anumang  data ng isang subscriber lalo na ang mga post paid clients nila na ayon kay Uy ay matagal na nilang hawak .

 

 

Kaya aniya kung may data leak man na mangyayari ay  may kailangang sagutin dito ang mga telcos. (Daris Jose)

Other News
  • LGUs may 1-time extension para sa cash aid distribution hanggang May 15 – DILG

    Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 61.85% na ang naipamahagi sa kabuuang P22.9 billion na pondo na inilaan ng gobyerno para sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na apektado sa dalawang linggong re-imposition ng enhanced community quarantine (ECQ) sa “Plus Bubble.”     Nasa P4,000 cash aid ang […]

  • SUNSHINE, ‘one take actress’ ang tawag kay BARBIE na first time lang nakasama sa teleserye

    THANKFUL si Luane Dy, na mild lamang ang tumama sa kanilang Covid-19 virus, sa pagsi-share niya nito sa 24 Oras.      Sila ng husband niyang si Kapuso actor Carlo Gonzales at ang anak nilang si Christiano ang tinamaan nito. Una raw nagkaroon si Christiano ng symptoms pero isang araw lamang nagkasakit ang anak nila […]

  • Pinas, kailangan na lumipat mula COVID 19 economy sa paggawa ng structural changes-PBBM

    NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na ngayong taon ng  2023 ang taon talaga para sa structural changes.     Tinanong kasi ang Pangulo sa kung paano niya ilalarawan ang kasalukuyang taon, nasa Tokyo, Japan ang Pangulo para sa Asean-Japan Summit.     Ang pagbisita sa Japan ang pang-17 biyahe ng Punong Ehekutibo ngayong taon, […]