P52.1-M relief assistance naibigay na sa mga biktima ng bagyong Ulysses – DSWD
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
Umaabot na sa P52.1 million ang relief assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, naipamahagi ang mga tulong partikular ang food at non-food items sa regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Ayon kay Sec. Bautista, sa kanilang Region 2 Field Office ay nakapamahagi na ng P19 million na halaga ng ayuda habang sa Bicol region ay P17 million, sa CALABARZON Field Office ng DSWD ay P11.2 million at sa NCR Field Office ay P7 million.
Inihayag pa ni Sec. Bautista na ang mga ibinigay nilang food and non-food item ay bilang augmentation support sa mga local government units (LGUs) na lubos na naapektuhan ng kalamidad at ang mga ito naman umano ay idineploy at ipinamahagi sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng land, air at sea assets ng pamahalaan.
Maliban sa pagkain, nagkakaloob din ang ahensya ng psychosocial support at stress debriefing sa mga naapektuhang mga residente. (ARA ROMERO)
-
DILG kuntento sa performance ng mga LGUs sa pagtugon sa kalamidad
KUNTENTO si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng mga local government units sa kanilang disaster preparedness and response operations. Ayon kay Año natuto na ang mga LGUs at ginagawa na ng mga ito ang kanilang mga trabaho lalo na kapag may mga natural disasters gaya ng Bagyo. niya, […]
-
Ivana, kumikita sa YouTube kaya ‘di apektado ng pamdemya
ISANG buwan na lang ay manganganak na ang Kapamilya star na si Ryza Cenon. Nakapag-baby shower na rin ito virtually. May team siya na kumuha ng mga video messages para sa partner niya na si Miguel Cruz at sa magiging baby boy nila. At sa mga nag-send din ng gifts for their baby. […]
-
Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo
NAGBABALA ang isang rice price watchdog na maaaring umabot ng hanggang P60 ang kada kilo ng regular-milled na bigas sa bansa hanggang sa panahon ng Kapaskuhan. Ang babala ay ginawa ng Bantay Bigas bunsod na rin ng gaps sa lokal na suplay at tumataas na presyo ng international market. Ayon kay […]