P540B bagong utang ng gobyerno aprub sa BSP
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panibagong utang ng gobyerno na nagkakahalaga ng P540 bilyon para mapunan ang pangangailangan bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.
Ayon kay BSP Governor Ben- jamin Diokno, ngayong Huwebes lang inaprubahan BSP ang kahilingang P540 bilyon para sa panibagong tranche ng provisional advances ng pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Diokno na ginawa ng administrasyon ang panibagong loan bilang “budget support” at “deficit financing” bunsod ng naranasang pandemic sa bansa.
Matatandaan na nangutang sa gobyerno ang Central Bank ng halagang P300 bilyon noong Marso sa porma ng securities.
Batay sa rekord ng Bureau of Treasury, pumapatay sa P9.615 trilyon ang utang ng gobyerno hanggang noong katapusan ng Agosto na 21.1% mas mataas sa katulad na petsa noong nakaraang taon. (Ara Romero)
-
Valenzuela, DSWD namahagi ng livelihood grants sa mga biktima ng sunog
NAKATANGGAP ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang mga biktima ng sunog sa barangay Arkong Bato at Malinta mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian. Ang LSG ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and […]
-
Ads December 12, 2022
-
Ads February 16, 2023