• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P55-M halaga ng shabu nasabat ng PNP DEG; 2 drug couriers arestado

Nasa P55-million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng tauhan ng PNP Drug Endforcement Group (DEG) sa dalawang drug couriers sa ikinasang buy-bust operation sa Paranaque City noong, December 5,2020.

Ang dalawa ang nasa likod sa pag-transport ng mga iligal na droga mula Metro Manila patungong Mindanao.

 

Kinilala ni PNP DEG Director BGen. Ronald Lee ang dalawang naarestong drug suspeks na sina Marlon Bayan, 32-anyos tubong Camarines Norte at Guimalodin Ebrahim, 27-anyos mula sa bayan ng Talitay sa Maguindanao.

 

Nakuha sa posisyon ng dalawa ang nasa walong kilo ng high grade shabu at ang sasakyan na Ford Ranger na siyang ginagamit sa pag-transport ng illegal drugs.

 

Sa report ni Lee kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, naging matagumpay ang operasyon matapos pumayag ang dalawa na bentahan ang police poseur buyer ng malaking halaga ng shabu.

 

Batay sa report ng PDEG ang mga nahuling suspeks ay mga regular couriers ng shabu mula Manila patungong Mindanao. (ARA ROMERO)

Other News
  • INAGURASYON NG GREENHOUSE FACILITY SA NAVOTAS

    MAGKAKAROON na ngayon ang mga Navoteño ng karagdagang pagkukunan ng sariwa at organic na ani ng gulay kasunod ng inagurasyon ng pasilidad ng greenhouse facility ng lungsod, nitong Lunes.   Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Department of the Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan at National Capital Region Assistant Regional Director […]

  • DTI, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA SUPERMARKET SA MAYNILA

    NAGSAGAWA ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry o DTI sa ilang supermarket sa Maynila kaugnay sa mga produkto na maaaring magkaroon ng price adjustments.     Kasunod ito ng mga natatanggap na  “request” ng DTI  para sa “price adjustment” ng ibat’t ibang mga produkto     Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, na […]

  • Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers

    KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.     Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coli­seum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro. […]