• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P59.8-B health emergency allowance, ipamamahagi sa mga medical frontline -PBBM

TINATAYANG P59.8 bilyong piso ang ipamamahagi sa medical frontline workers para sa kanilang health emergency allowance sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang nasabing halaga ay 78.92% ng COVID-19 health emergency allowance na inilaan ng gobyerno sa mga health worker.

 

 

Sa naging pagdiriwang ng Health Workers’ Day, araw ng Martes, hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo ang sakripisyo at serbisyo ng mga health worker.

 

 

”Mas pinahahalagahan natin ang sakripisyo ng ating mga frontliner na naglilingkod nang buong puso at nagpapakita sa mundo ng galing at malasakit ng Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala, sa ulat sa nasabing araw, nagtipon ang mga Health worker mula sa iba’t ibang ospital sa Kalakhang Maynila at nagmartsa sa Mendiola, ang hirit ng mga ito ay starting salary na P33,000 para sa public at private health workers.

 

 

Hiniling din ng mga ito ang pagpapalabas ng benepisyo, job security sa kanilang hanay at mass hiring ng permanent health workers para idagdag sa lumalalang understaffing sa mga public hospital. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, handang harapin si Gordon sa public debate

    HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na harapin sa public debate si Senador Richard Gordon kung hahamunin siya nito.     Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, tinawag ni Pangulong Duterte na “magnanakaw” si Gordon dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon sa Philippine Red Cross (PRC), kung saan siya […]

  • Eala pa-wow sa US NCAA

    PATULOY ang pagkinang ni Michael Francis ‘Miko’ Eala para sa Pennsylvania State University men’s tennis team sa Big 10 Conference ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association sa University Park Indoor Tennis Center sa nasabing estado.     Humataw ng kambal na panalo sa men’s singles at doubles ang 18 taong-gulang na Pinoy netter […]

  • MTRCB To Review Vietnam-banned ‘Barbie’ Movie

    THE Vietnam-banned movie “Barbie” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, will be reviewed for rating and classification.     Movie and Television Review and Classification Board chairperson Lala Sotto made the statement when the MTRCB was asked if the Philippines will also ban the movie for showing a map which […]