• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5K, makukuha ng bawat pamilyang apektado ng bagyong Odette

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat pamilya na apektado ng bagyong Odette.

 

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mayroon namang sapat na pondo para sa cash aid sa mga Odette-hit families.

 

“There are many of the poor who were affected. We will prioritize them. We have money, anyway,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I will give the usual. I’m giving P5,000 per family.”

 

Nauna rito, sinabi ng Chief Executive na isinantabi niya ang kanyang holiday activities dahil mas pinili niyang magbigay ng financial assistance sa mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Odette.

 

Wala ring holiday ang mga sundalo at pulis upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang distribusyon ng grants at mananatiling masusunod ang health protocols dahil sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • VACC at mga biktima ng Dengvaxia, dismayado sa QC Court

    NAGLABAS ng hinanakit at galit ang mga magulang ng mga batang pumanaw sa dengvaxia vaccine matapos matanggap ang kautusan ng hukom na humahawak sa kanilang kaso.     Ito ay matapos na atasan ni Quezon City court Branch 229 Judge Maria Luisa Leslie Gonzales-Betic ang mga state prosecutor na pag-isahin na lamang ang 35 kasong […]

  • Simbang Gabi puwedeng ganapin sa mga gymnasiums, iba pang malalaking venues

    Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mananampa­lataya sa mga simbahan sa tradisyunal na Simbang Gabi, nagtakda ng mga pagbabago ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kabilang ang pagsasagawa ng naturang misa sa mas malala­king mga venues tulad ng mga gymnasiums. “Sa Simbahan 30 percent lang ang ina-accommodate na mass goers kaya pwede sa […]

  • BINATANG HELPER, TODAS SA DATING KAALITAN

    PATAY ang isang 50-anyos na helper nang pagsasaksakin ng dati nitong kaalitan nang nag-krus ang kanilang landas sa isang eskinita sa Tondo, Manila Martes ng hapon.     Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Ronnie Alcoriza Y Escurel ng 368 Padre Rada St., Brgy. 26, Tondo, Manila […]