P6.352-T national budget para sa 2025 pasado na sa Kamara
- Published on September 27, 2024
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng House of Representatives ang P6.352-trillion national budget ng taong 2025.
Ang nasabing pag-apruba ay isang araw matapos sertipikahan ito Pangulong Ferdinand Marcos Jr na urgent.
Mayroong kabuuang 285 na kongresista ang bumuto na pumabor sa House Bill 10800 o kilala bilang “An Act Appropriating Funds for the Operation of the Government of the Republic of the Philippines”.
Habang mayroong tatlong kongresista naman ang bumuto laban sa nasabing panukalang batas.
Sa kaniyang talumpati ay pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Romualdez ang kapwa mambabatas dahil sa pagpasa na ng budget.
Giit nito na mahalaga ang nasabing budget para sa pagpondo sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno gaya sa imprastraktura, human at social development, environmental protection, technological innovations at sustainable development.
-
MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD
NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas. Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya. Una nang sinabi ni Dizon […]
-
Meet the Forgers! Big-hit anime film “Spy x Family: Code White” opens at No. 1 in Japan
Japan goes waku-waku~ as Spy x Family: Code White opened at No. 1 in Japan during the 2023 December holiday weekend, and continued its No. 1 streak for three weeks, earning 4.41 billion yen. Get to know the undercover family before the hit movie makes its way to Philippine theaters on March 13. […]
-
Mahigit 10 libong residente napagkalooban ng financial assistance ni Konsehala Aiko Melendez
UMABOT sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni District 5 Councilor Aiko Melendez. Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20 million medical assistance sa pamamagitan ng Guarantee Letters si Melendez na kamakailan ay ginawaran ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service”. Kasama […]