• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P6.352 trilyon 2025 national budget isinumite na sa Kamara

ISINUMITE na kahapon (Hulyo 29) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara ang P6.352 trilyong panukalang pondo para sa susunod na taon.

 

 

 

 

 

Ang 2025 National Expenditure Program ay pormal na isinumite ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang mga opisyal ng Kamara.

 

 

 

Sa bisperas ng pagsusumite ng NEP, sinabi ni Romualdez na handa ang Kamara upang tanggapin ito at agad na sisimulan ang deliberasyon nito sa komite.

 

 

 

“We will make sure that enough funds will be allocated for social services and for programs that will sustain our economic growth,” ayon kay Romualdez.

 

 

 

Sinabi ng lider ng Kamara na masusing pag-aaralan ang panukalang budget at gagamitin ang oversight function nito para masiguro na tama ang ginagawang paggastos dito ng mga ahensya ng gobyerno.

 

 

 

Ang bersyon na isusumite umano ng Kamara, ayon kay Romualdez ay nakalinya sa mga prayoridad at Agenda for Prosperity ni Pangulong Marcos kung saan target itong maaprubahan bago mag-recess ang sesyon sa Oktubre. ( Daris Jose)

Other News
  • May explanation ang ‘Magandang Dilag’… HERLENE, minsan nang na-late sa taping pero ‘di na naulit

    NAKAKAKUHA ng mataas na rating na 11.3 percent last July 26, ang GMA Afternoon drama series na “Magandang Dilag” na nagtatampok kina Herlene Budol, Rob Gomez at Benjamin Alves.      Kaya naman labis ang pasasalamat ni Herlene sa mga viewers ng serye, nang ma-interview siya ni Kuya Kim Atienza sa programa nitong “Dapat Alam […]

  • Mga Pinoy sa Lebanon, hinikayat ng DFA na umuwi na ng Pinas

    NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon kaugnay sa pagapapauwi sa Pilipinas sa Gitna ng tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.   Sa ulat, nanawagan kasi ang Israel sa mga indibidwal sa Southern Lebanon na lumikas na, bagay na ginawa nito bago pa ang pag-atake sa Gaza. […]

  • FIGHT FOR LOVE

    PART 6 UMABOT sa general alarm ang sunog. Ibig sabihin lahat ng fire stations sa buong kamaynilaan at mga karatig lugar ay obligadong magresponde. Isang warehouse ng goma na ginagamit sa paggawa ng tsinelas ang nasunog. Nagsimula ang sunog kalagitnaan ng madaling araw.     Dahil na rin sa uri ng materyales na nakaimbak sa […]