P6.352 trilyong national budget posibleng pirmahan ni PBBM sa Dec. 20
- Published on December 13, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY na ng tentative date ang Malakanyang sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025.
Sa isang text message ni Presidential Communications Operations (PCO) Secretary Cesar Chavez, sinabi nito na ang tentative date para sa pagpirma sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025 ay sa Disyembre 20 ganap na alas-9:00 ng umaga.
Nauna rito, isang joint technical working group (TWG) ang binuo para ibuod ang ‘disagreeing provisions’ ng bersyon ng bill ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalaman ng national budget para sa taong 2025.
Ang pinal na bersyon ng 2025 national budget ay idedetermina ng bicameral conference committee.
“Once they report it out, it will be ratified by both houses of Congress,” ayon sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).
Sa oras naman na maratipikahan, ang batas ay ipadadala sa Malakanyang para repasuhin at aprubahan ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Gilas roster, malakas ang laban – coach
Malaki ang tiwala ng coaching staff ng Philippine men’s basketball team na may ibubuga ang isasabak nilang line-up kontra sa Indonesia para sa kanilang laro sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers. Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel, hindi raw naging madali ang pagpili sa komposisyon ng team dahil marami silang […]
-
Efren ‘Bata’ Reyes nag-sorry na dahil sa paglabag sa health protocols
Nag-sorry na si Billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes matapos ang paglabag sa social distancing ng mga nanood sa kaniyang laro sa San Pedro city, Laguna. Sa kaniyang sulat sa Games and Amusement Board, na lubos itong humihingi ng paumanhin. Hindi aniya nito kontrolado ang sitwasyon dahil bigla na lamang dumami ang […]
-
Fil-Am actor Jacob Batalon has a special greeting for Pinoys as he invites fans to watch the new thriller “Tarot”
Filipino-American Jacob Batalon (Spider-Man: Homecoming, Spider-Man: Far From Home, Spider-Man: No Way Home) delves into horror as he tries to escape his deadly fate in Tarot. In anticipation of the frightening new film, Batalon invites fans in the Philippines to see Tarot as it haunts Philippine cinemas on May 1. Watch Jacob’s shout out here: […]