P6.8 MILYON HALAGA NG DROGA, NASAMSAM SA 3 KABABAIHAN NA TULAK SA CAVITE
- Published on March 25, 2022
- by @peoplesbalita
TATLONG kababaihan na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite Police at nasamsam sa kanila ang mahigit P6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Eman Bongcarawan y Mabandus, alyas “Eman”, 29, isang Lesbian; Norhanah Dirampatin y Didaagun, alyas “Ada”, 28, dalaga; Nur-Laila Capatagan y Alonto, alyas “Lala”, 20, dalaga; at isang Noralyn Macalangan, alyas “Naira Landua”, alyasa “Madam Tisay” , na nakatakas at pawang residente ng Lot 179, Block 10, Trogon St., Westwood Phase 1, Lancaster, Pasong Camachile 1, City of Gen Trias, Cavite
Sa ulat, alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ng pinagsanib ng pwersa ng SOU 4A PNP DEG (na siyang lead unit) at Gen Trias CPS sa Lot 179, Block 10, Trogon St., Westwood Phase 1, Lancaster, Pasong Camachile 1, City of Gen Trias, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober sa kanila ang 1 kilogram ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800,000; P1,000 halaga ng buy bust money, isang kulay itim na Nokia Analog cellphone, isang kulay brown na shoulder bag na naglalaman ng Identification card ni Nur-Laila Capatagan y Alonto, isang brown wallet na naglalaman ng ID ni Eman Bongcarawan y Mabandus, at sia pang shoulder bag na naglalaman ng iba’t-ibang ID ni Norhanah Dirampatin y Didaagun.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang kinakaharap ng mga suspek.(GENE ADSUARA)
-
Halaga ng piso, 85 sentimo na lang – PSA
TULUYAN nang bumagsak ang purchasing power ng Philippine peso kontra US dollar dahil sa mas tumaas na inflation nitong buwan ng Oktubre. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 sentimo noong Oktubre. Nitong Hulyo, katumbas pa ito ng 86 […]
-
PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DOTr, LTO
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO). Sa katunayan, sa Facebook post, araw ng Lunes, inanunsyo ng DOTr ang pagtatalaga kina Horatio Enrico Bona bilang LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang DOTr Assistant Secretary for Planning and […]
-
Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal
ISANG free trade agreement (FTA) ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa sidelines ASEAN Summit sa Indonesia. Inaasahan na ang nasabing kasunduan ay makapagpapalakas sa investment relations at makalilikha ng trabaho sa Pilipinas. Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand […]