• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P6.8 milyong shabu, nasamsam sa tulak sa Caloocan

AABOT P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang umano’y big-time tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit-National Capital Region (PNPDEG-SOU-NCR) Chief P/Col. Darwin Miranda ang naarestong suspek na si alyas “Ross”, 30, mangingisda at residente ng Brgy. Tangos, Navotas City.

 

 

Ayon kay P/Major Renz Principe na nanguna sa operation, bago ang pagkakaaresto nila suspek ay nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng ilegal na droga.

 

 

Nang magawa nilang makipagtrabsaksyon sa suspek, agad ikinasa ni Major Principe ang joint buy bust operation, kasama si P/Lt. Aldazer Sahisa, PDEA RO NCR na nagresulta sa pagkakaaresto sa kay ‘Ross’ dakong ala-1:12 ng hapon sa Madonna Lodge sa Brgy., 136 Bagong Barrio, Caloocan City.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 1000 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.00, buy bust money na isang P1000 bill, kasama ang bundle ng boodle money, cellphone at green nap sack bag.

 

 

Pansamantalang nasa kustodiya ng PNPDEG, SOU NCR, sa Camp Bagong, Diwa, Taguig City ang suspek habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanya na paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Comelec nanawagan: Magparehistro na bago Enero 31

    MULING umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na gawin ang lahat ng magagamit na paraan para makapagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito, sa isang linggong nalalabi ng voter’s registration.     Ani Comelec spokesman Rex Laudiangco, ng mga kwalipikadong botante ay maari namang magpatala sa […]

  • Dynamic Learning Program, ilulunsad para sa mga klaseng nakakansela dahil sa bagyo -DepEd

    INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na ilalabas ngayong buwan ang kanilang bagong programa na Dynamic Learning Program (DLP). Naglalayon itong maiwasan ang pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante dahil na rin sa mga sunod-sunod na pagkakansela ng mga klase dahil sa mga bagyo.     Ang Dynamic Learning Program (DLP) ay magbibigay sa mga […]

  • Pixar SparkShorts Films ‘Float’ and ‘Wind’, Streaming on YouTube for a Limited Time

    PIXAR has released two Pixar SparkShorts films — Float and Wind — on YouTube, making them widely available to more people around the world.     Both films come from Asian filmmakers and feature the story of Asian characters.     Float is a 7-minute film by Filipino-American director Bobby Alcid Rubio. It tells the story of a father who […]