P7.3-M halaga ng family food packs naipamahagi ng DSWD
- Published on December 22, 2021
- by @peoplesbalita
Aabot na sa P7.3 million halaga ng family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na bukod sa mga family food packs mayroon ding P1.1 million halaga ng sleeping kits at beds na ipinamamahagi ang kanilang kagawaran.
Sa tulong ng Philippine Army at private shipping company ay naipahatid na ng DSWD ang mga family food packs sa mga probinsya ng Dinagat Islands at Siargao.
Bukod sa mga relief supplies na nanggagaling sa kanilang central office, sinabi ni Dumlao na mayroon ding mga stockpiles ang iba’t ibang opisina ng DSWD sa rehiyon.
Sa katunayan, ang kanilang opisina sa Region 9 at Region 12 ay nakapaghatid na rin ng augmentation sa mga field offices sa Caraga region.
Sa ngayon, patuloy aniyang namamahagi ang kagawaran ng mga family food packs sa mga apektadong residente sa Eastern at Western Visayas. (Daris Jose)
-
PBBM, nakidalamhati para sa mga biktima ng bagyong ‘KRISTINE’ sa BATANGAS
NAG-ALOK si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng memorial mass, araw ng Lunes, para sa mga nasawi sa panahon ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine sa Barangay Sampaloc, Talisay Batangas. “Nais ko pong ipaabot ang aming taos-pusong pakikiraramay sa bawat Pilipinong naapektuhan ng Bagyong Kristine,” ayon kay PangulongMarcos sa kanyang naging talumpati sa […]
-
KARLA, nababatikos dahil sa desisyong tumakbo na party-list representative ng partidong bumoto laban sa ABS-CBN
HINDI namin talaga maintindihan kung bakit tumakbo na party–list representative si Karla Estrada sa partidong ang representative ay bumoto against sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. Parang adding insult to injury naman ang ginawa ni Karla. Pinasikat ng ABS-CBN ang kanyang anak na si Daniel Padilla at binigyan din siya ng regular program […]
-
Imbestigasyon ng DoJ sa “Bloody Sunday Killings” patas, masinsin at makatarungan – Sec. Roque
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, Linggo, bagay na ikinamatay ng siyam katao. “We are confident with that probe because no less than […]