P7 MILYONG SHABU GALING LONDON , ISINILID SA ISANG STUFFED TOYS, NASAMSAM
- Published on September 30, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P7 milyon halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang package na idineklara na mga “stuffed toys” ang nasamsam matapos na naaresto ang isang babae na tumanggap nito sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon.
Kinilala ang naaresto na si Noelle Denise Azul, 29, dalaga habang pinaghahanap ang kaibigan nito na si Octavia Dela Cruz, 30, dalaga, kapwa residente ng Blk 11 Lot 23 Magdiwang Subd., Brgy. Queens Row Central, Bacoor Cavite.
Sa ulat, isang package mula sa London ang dumating nitong September 23, 2022 na nakapangalan kay Dela Cruz at idineklarang “Baby Soft Toys” pero nang dumaan ito sa X-ray inspection at K9 sniffing dogs, lumabas na kahina-hinala ito at may indikasyon na may nakasilid na droga dito
Muling ipinadaan ang nasabing bagahe sa Rigaku Progency ResQ FLX Chemical Analyzer at nakumpirmang naglalaman ito ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu.
Dahil dito, nagsagawa ng controlled delivery operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA RO3 (RSET), PDEA RO III RSET, PDEA RO III CLARK AIU, Bureau of Customs, Port of Clark, at Bacoor SDEU kung saan sinundan hanggang sa delivery address sa 187 Queen’s view St., Brgy. Queen’s Row Central, Bacoor Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Azul sa aktong tinatanggap nito ang nasabing package dakong alas-5:50 kamakalawa ng hapon.
Si Azul ay binigyan ng authorization ni Dela Cruz na tumanggap sa nasabing package.
Narekober sa lugar ang isang package na naglalaman ng dalawang light Green stuffed toys at bawat isa nito ang may laman na tatlong blue na plastic bag na naglalaman ng kabuuang 1,140 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱7,866,000.00; anim na Identification Cards at isang unit ng Huawei Cellular Phone.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa sender ng nasabing package na pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan. (Gene Adsuara)
-
FIGHT FOR LOVE
PART 6 UMABOT sa general alarm ang sunog. Ibig sabihin lahat ng fire stations sa buong kamaynilaan at mga karatig lugar ay obligadong magresponde. Isang warehouse ng goma na ginagamit sa paggawa ng tsinelas ang nasunog. Nagsimula ang sunog kalagitnaan ng madaling araw. Dahil na rin sa uri ng materyales na nakaimbak sa […]
-
Aryna Sabalenka champion ng Women’s Australian Open
Abot-langit pa rin ang kasiyahan ni Belarusan tennis star Aryna Sabalenka matapos na magkampeon ito sa Australian Open. Tinalo niya kasi Elena Rybakina sa score 4-6, 6-3, 6-4 para makuha ang kampeonato. Umabot sa dalawang oras, 28 minuto ang nasabing laro. Ito ang unang Grand Slam Final ng fifth seed na si […]
-
2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril
Inaasahan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magiging operational na ang dalawa pang karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 na magpapalawak sa operasyon ng rail line sa lalawigan ng Rizal ngayong Abril 26, 2021. Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang […]