P750 national minimum wage, iginiit
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
KASUNOD na rin ng 5.4% inflation rate at pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin, nanawagan ang Anakpawis Partylist sa kongreso na ipasa ang P750 National Minimum Wage bill na inihain ng Koalisyong Makabayan.
Una ng tinuligsa ng grupo ang pinakahuling P33 wage increase na anila ay hindi sapat para punan ang P51 lost value dahil sa inflation mula pa taong 2018, ang P537 dating minimum wage para sa National Capital Region.
Ang tinatayang real value ng pinakahuling minimum wage para sa NCR na P570 ay nasa P516, base sa 2018 prices. Malala pa umano ay baka maibaba pa ang tunay na halaga nito dala na rin sa pinakahuling inflation rate.
“Kung ibabatay sa May 2021 prices, ang mabibili ng P570 ay P539 lang. Kaya, halos walang epekto ang pinakahuling wage increase. Dapat habulin ng minimum wage ay ang Family Living Wage, na nasa P1,072 kada araw noong Marso. Kaya, makatarungan at kagyat lang na isabatas ang P750 National Minimum Wage,” ayon kay Ariel Casilao, Anakpawis Party-list National President sa isang press statement.
Iginiit pa nito na ang sitwasyon sa mga lugar na nasa labas ng National Capital Region ay mas malala para sa mga minimum wage workers. Mas mataas ang inflation rate dito na nasa 5.5% o mahigit pa.
Sinabi ni Casilao na ang dapat gamitin na basehan para sa minimum wage system ay social justice, at “right of all the people to human dignity, reduce social, economic, and political inequalities,” na pawang nakasaad sa konstitusyon.
“Hindi dapat natin tinatanggap na nagpapakahirap ang mga manggagawa, at sa katapusan ng araw ay hindi makabubuhay ng pamilya ang kanyang kinitang sahod. Habang ang mayayayamang kapitalistang oligarkiya at dayuhang monopolyo ay lumalangoy sa mga gahiganteng tubo. Dapat nang itulak ang kongreso para baguhin ang modernong sistemang ito ng pang-aalipin, at itaguyod ang makatao at nakabubuhay na antas ng sahod ng mga manggagawa,” pagtatapos ni Casilao. (ARA ROMERO)
-
Walang problema kahit Chinese ang mapapangasawa: BENJAMIN, nakapagpatayo na ng bahay bago sila ikasal ni CHELSEA
SA January 28, 2024 na ang kasal nina Benjamin Alves at girlfriend niyang si Chelsea Robato, kaya excited na siya. Kuwento pa ng aktor, “Kapag napag-uusapan yung mga schedules, mga kulay, dun ako medyo nalulula kasi ang dami nga palang preparations, but we have a really great wedding coordinator, si Kim Torres.” […]
-
Taylor Swift, hawak na ang record for most AMA career wins by a single artist
SI Taylor Swift ang nagwagi ng top award of the night na Artist of the Year sa American Music Awards (AMAs). Hindi nakadalo sa awards night si Taylor dahil abala ito sa re-recording ng kanyang music catalog. In a pre-recorded video, sinabi ni Taylor: “The reason I’m not there tonight is I’m actually […]
-
Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA
OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna. Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez. Apat na […]