• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P8-M halaga ng food packages, tulong ng China sa mga sinalanta ng bagyong Odette

Nagpaabot ng tulong ang China sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 million sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo.

 

 

Kabilang na aniya rito ang probinsya ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City at Negros Oriental.

 

 

Iginiit ni Huang na gagawin ng China ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa mga sinalanta ng bagyo kamakailan.

 

 

Umaasa raw sila na makakabalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga mga biktima ng bagyo sa lalong madaling panahon.

 

 

“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by Typhoon Odette which has caused massive casualties as well as property loss,” ani Huang.

Other News
  • Ads June 27, 2023

  • Gusto munang mag-sitcom dahil sobrang nabugbog sa ‘Lolong’: PAUL, suportado ni MIKEE at kinikilig sa eksena nila ni SHAIRA

    GUSTO raw munang gumawa ng sitcom ng Kapuso hunk na si Paul Salas dahil sobra raw siyang nabugbog sa teleserye na ‘Lolong’.   Sa tatlong beses daw na nag-lock-in taping sila, puro mga mahihirap na action scenes ang ginawa niya kasama si Ruru Madrid. Sulit daw ang mga naging pagod nila dahil pataas nang pataas […]

  • Mayor ISKO, masyado pang maaga na tumakbong Presidente dahil kulang pa sa experience kaya maraming bumabatikos

    MANILA Mayor Isko Moreno is running for President next year, with Dr. Willie Ong as his running mate.     While he gave hints that he might run for President, hindi namin inaasahan na Mayor Isko will throw his hat this early in the presidential derby. He would have been a potential winner as president […]