• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P843.9 bilyon lugi ng SSS, pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Francis Tolentino sa Senado ang umano’y malaking pagkalugi ng Social Security System (SSS).

 

 

 

Sa inihaing Senate Resolution 1006, tinukoy ni Tolentino ang 2021 unaudited financial statement ng SSS kung saan nakasaad na nalugi sila noong 2021 ng P843.9 bilyon.

 

 

 

Nakasaad naman sa resolusyon ang mga legal at technical na paliwanag ng SSS kung bakit nagkaroon ito ng ganoong lugi kung saan tinukoy ang umano’y pagbabago sa panuntunan ng accounting ng Philippines Financial reporting standard.

 

 

 

Dito umano kinonsidera ang mga basic payments na babayaran ng SSS sa hinaharap.

 

 

 

Tiniyak naman sa resolusyon na matatag ang SSS at secured ang cash loan nito at matutugunan ang panga­ngailangan ng mga miyembro.

 

 

 

Para naman kay Tolentino, kahit na sapat ang paliwa­nag tungkol sa pagkalugi kailangan pa rin itong mabusisi at malaman ang epekto nito sa pinansyal na kakayanan ng SSS para mabayaran ang benepisyo ng mga miyembro.

 

 

 

Kailangan din umanong mapag-aralan ang social security benefitis ng lumalaking miyembro ng SSS at maging batayan kung kailangan na gumawa ng bagong batas at regulasyon at masiguro ang katatagan nito.

Other News
  • COVID tests sa mga players, refs pinadadagdagan ng NBA

    Inabisuhan ngayon ng NBA ang 28 mga NBA cities na magpatupad ng dagdag na COVID tests matapos na magpositibo ang 16 na mga players.   Sa pinaikot na memo ng liga, hiniling sa mga teams na humanap din ng local testing centers kung saan gaganapin ang mga laro.   Hangad ng NBA na makahanap ang […]

  • DATING MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, NAG-HOLDAP SA PAWNSHOP, ARESTADO

    PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) nang inaresto matapos nangholdap sa isang pawnshop sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite Miyerkules ng hapon.     Sa bahay ng isa sa kanyang mga kamag-anak nasundan ang suspek na si  Michael Comutohan y Padilla, 47, dating miyembro ng PA at […]

  • Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu

    TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’     Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal […]