• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P85 M aerodome simulator ng CAAP binuksan

Nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang buwan ang bagong bukas na P85 million na 3D aerodome tower simulator ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

 

 

Nakalagay ang bagong 3D aerodome tower simulator sa CAAP’s Civil Aviation Training Center (CATC) sa Paranaque City. Natapos ang pagtatayo noong March 30 ng taong kasalukuyan.

 

 

Ang 3D aerodome tower simulator ay tutulong upang magkaron ng artificially recreation ang control tower environment para sa air traffic controller (ATC) training, design at ipa pang pangagailangan.

 

 

“For the Department of Transportation (DOTr), security and safety are paramount. This facility will not only provide training, it will also help in handling flight emergencies and risky situations without the threat of danger as experienced before,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Ayon sa CAAP ang nasabing simulator ay makakatulong sa mga ATCs sa kanilang training, testing at maintaining ng proficiency sa paghawak ng operasyon sa aerodome ng walang kapahamakan sa mga buhay ng tao at kabuhayan.

 

 

Mas mura ang earodome simulator kumpara sa pagkakaron ng training sa actual na air traffic control conditions.

 

 

Ang anim (6) na airport scenario settings na nakalagay sa simulator program ay maaaring gamitin sa ATC proficiency sa mga airports sa Manila, Clark, Mactan, Plaridel, Davao at mga generic single-runway project.

 

 

Noong una ang ginagamit ng mga ATC instructors ay ang miniature model airplane upang makagawa ng air traffic scenarios.

 

 

“With the arrival of our new aerodome simulator, this practice is now obsolete,” saad ng CAAP.

 

 

Gagamitin din ang aerodome simulator sa mga gagawing training ng mga bagong ATCs sa pamamagitan ng comprehensive air traffic service course na binibigay ng CATC. (LASACMAR)

Other News
  • Fernando, kaisa ni PBBM sa pagseseguro ng suplay ng pagkain sa bansa

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa si Gobernador Daniel R. Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.     Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng isang agricultural drone na binili ng […]

  • Presidential bets naniniwala na ‘tao at sistema’ ang nagpapalala sa korapsyon sa PH

    NANINIWALA ang mga presidential bets na ang kasalukuyang sistema at ang mga taong nasa likod nito ang nagpapalala sa korapsiyon sa bansa.     Ayon kay Vice President Leni Robredo, tao at sistema ang nag-contribute sa problema, kaya kung siya ang mahalal na pangulo ang kaniyang unang executive order ay ang full disclosure.     […]

  • Arnell Ignacio itinalaga bilang OWWA chief

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kilalang TV personality na si Arnaldo Arevalo “Arnell” Ignacio bilang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).     “We confirm the appointment of Mr. Ignacio as Executive Director Admin. V of the Overseas Workers Welfare Administration,” ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Hindi pa naglalabas ang […]