P86 bilyong investment deals nakopo ni PBBM sa Australia visit
- Published on March 6, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng US$1.53 bilyon, o P86 bilyong puhunan mula sa 14 business deals na nilagdaan sa Philippine Business Forum sa sideline ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne nitong Lunes.
Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alferdo Pascual, na ang mga business deal ay nakahanda upang himukin ang mga relasyon sa pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Australia, at mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ang naturang kasunduan ay bilang pagpapakita ng commitment at mabungang partnership sa ibat-ibang sector tulad ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, establishment of data centres, manufacturing of health technology solutions at digital health services, ayon kay Pascual.
Paliwanag pa ni Pascual, ang nasabing mga sektor ay nagpapakita sa hinaharap ng “Philippine-Australia business engagements”.
Nagsisilbi rin itong solidong pundasyon para mapanatili ang paglago at benepisyo para sa ugnayan ng dalawang bansa sa hinaharap.
Nagpasalamat naman si Pascual sa mga kumpanya at business leader na nagbigay ng effort para masusing gumawa ng nasabing kasunduan at tiniyak na magkakaroon ng matagumpay at mabungang implementasyon sa naturang mga proyekto.
Ang 14 business deals ay binubuo ng memoranda of understanding (MOUs) sa pagitan ng Filipino at Australian business leaders at dalawang letters of intent (LOIs) mula sa Australian business leaders na nagnanais na mamuhunan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga MOU ang pagtatayo at pagpopondo ng isang Tier-3 Data Center na may kapasidad na 30MW-40MW sa Poro Point Freeport Zone na may lawak ng lupa na 16 ektarya; at pagpapalawak ng Next-Generation Battery Manufacturing sa Pilipinas.
Nilagdaan din ang MOU para sa deployment ng mga solusyon sa renewable energy upang mabawasan ang mga gastos sa enerhiya, umasa sa grid power, mapabuti ang sustainability at makamit ang progreso sa decarbonization. (Daris Jose)
-
World Bank, inaprubahan ang $600-M loan para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa Pinas
INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $600 million (₱33.2 bilyong piso) loan nakatuon tungo sa pagtaas ng market access at income para sa mahigit sa half a million na mangingisdang Filipino. Almost 60% of the poor work in agriculture in the Philippines, so accelerating the growth of agriculture and fishery is vital for […]
-
Home isolation package ng PhilHealth na may mild at asymptomatic systems
Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na may alok silang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga miyembro nitong asymptomatic o may mild lamang na sintomas ng COVID-19. Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ang naturang package ay available para sa mga miyembro nilang nagpositibo sa COVID-19, […]
-
Goodbye sa mga kotse, relo at iba pang luho: ROCCO, thankful sa mga payo ng kapwa-Kapuso daddy
THANKFUL si Rocco Nacino dahil sa mga natatanggap niyang mga payo sa pagiging isang ama mula sa kapwa niya mga daddy tulad nila Dennis Trillo, Rodjun Cruz, Carlo Gonzales, Mark Herras, Joross Gamboa at Dingdong Dantes. Ayon kay Rocco ay puwede na raw sila magtayo ng ‘Daddy’s Club’ dahil tuwing nag-uusap daw […]