P9.8 milyong droga naharang sa NAIA
- Published on March 21, 2023
- by @peoplesbalita
NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Sinabi ni Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, dahil sa mga kahina-hinalang larawang nakita sa x-ray machine, isinagawa ang physical examination ng Customs Examiners at nakita ang may 2,738.5 gramo ng marijuana (Kush), 17 ml liquid marijuana, 2,700 gramo ng marijuana gummies, 665 gramo ng marijuana, at 2,899 piraso ng ecstasy na may tinatayang street value na P9,892,700 na kinumpirma ng PDEA.
Ayon kay Talusan, ang mga shippers at consignee ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng PDEA kaugnay sa paglabag sa RA 9165 at RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization Act (CMTA).
Noong Marso 16, 2023, naharang din ng Customs-NAIA ang apat na papalabas at isang papasok na magkahiwalay na parsela na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga sa mga warehouse sa Pasay City.
Kabilang dito ang 5 gramo ng shabu, iba’t ibang Alprazolam at Zolpidem, 100 tableta ng Mogadon at 1 gramo ng marijuana. (Gene Adsuara)
-
Sotto magpapalakas pa!
AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito. Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila. […]
-
Magna Carta on Religious Freedom Act, pasado na sa Kamara
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang Magna Carta on Religious Freedom Act (House Bill6492) na nagbabawal sa pamahalaan o sinuman na pahirapan, bawasan, hadlangan o panghimasukan ang karapatan ng isang tao na ihayag o ipakita ang kanyang religious belief o paniniwala, maliban na lamang kung magreresulta ito sa karahasan o […]
-
VINA, non-showbiz guy ang bagong inspirasyon kaya nananahimik; pangarap pa ring na maikasal
MAY nagpapakilig pala ngayon kay Vina Morales, pero hindi pa raw siya ready na isapubliko kung sino ang lalakeng ito. Marami raw kasing kinukunsidera si Vina, isa na rito ay ang magkaroon ng tahimik na lovelife. “Mahirap kasi ngayon, mahirap ‘yung past ko. Napaka-open ko sa private life ko pero nagkaroon […]