P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city.
Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa paggawa sa iligal na droga.
Ayon kay Villanueva, ito ang pinakamalaking halaga ng CPECs at laboratory apparatuses na winasak ng PDEA sa kasaysayan ng bansa.
Nangako naman si Mayor Rex na magiging matatag ang pagtutulungan ng Valenzuela City at PDEA para sa patuloy na mga inobasyon ng ahensya sa drug law enforcement, kung saan ang lokal na pamahalaan ang katuwang sa pagpapatupad ng laban sa droga sa mga barangay at lokal na industriya. (Richard Mesa)