P9M talent fee ni Yorme Isko, ibinili ng tablets ng UDM students
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAMBILI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng tablets para sa mga estudyante ng Unibersidad de Manila (UDM) ang aabot sa may P9 milyon talent fee buhat sa pagmo-modelo.
Ayon sa alkalde , ibinigay nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang mga tablet bilang donasyon kay Malou Tiquia, president ng UDM, kasabay ng panawagan sa mga mag-aaral na gamitin ito ng husto at tama.
Sinabi ni Moreno na maging siya ay produkto rin ng kahirapan at public school kaya batid niya ang hirap ng isang mahirap na estudyante na hindi alam kung makakakain siya ng tatlong beses isang araw.
Nauna nang bumili ng may P200 milyon mga tablet at laptop ang lokal na pamahalaan ng Maynila para ipamigay sa elementarya at high school at mga guro bilang paghahanda sa blended learning ngayon nalalapit na pasukan sa Oktubre 5. (Gene Adsuara)
-
Mga bagong botanteng nagparehistro, halos 8M na– Comelec
Patuloy ang paghimok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections na samantalahin na ang huling tatlong linggo ng Oktubre para magparehistro. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ito ng pagpapalawig sa voter registration na magtatapos na sana noong Setyembre 30. […]
-
P6M HALAGA NG KARGAMENTO TINANGAY NG DRIVER AT HELPER
TINANGAY ng driver at ng kanyang helper ang higit sa P 6 milyong halaga ng kanilang kargamento na dapat ay idineliver nila sa isang negosyanteng buyer sa Malabon city. Natuklasan ni Johnson Tan, 24, negosyante at residente ng 920 Asuncion St., Tondo, Manila na hindi pala dumating sa kanyang buyer na si Kevyn […]
-
Ads June 13, 2024