• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAALALA SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO

PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang  simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo.

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang  aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish .

 

Papayagan  naman ang  pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod ang itinatakdang seating capacity na 30%.

 

Ngunit ang mga prusisyon o parada at kahalintulad na aktibidad  na ginagawa sa kalye ay hindi papayagan.

 

Ayon kay Isko, kailangang mag-adopt ang mga tao sa “new normal” sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

 

Sinabi ng alkalde na dapat makinig ang mga residente  tulad ng nangyari sa Kapistahan ng  Poong Itim na Nazareno.

 

Nagpapasalamat naman ang alkalde sa  mga nakibahagi sa Pista ng Nazareno dahil karamihan ay sumunod at nakipagtulungan kaya nairaos ng maayos ang okasyon.

 

Sa abiso naman ng Archdiocesan Shrine of Santo Nino, ang mga misa kaugnay sa pista ay gagawin sa:

 

– January 16 – 3:00 ng hapon; 5:00 ng hapon at 7:00 ng gabi

 

– January 17 – 4:00 ng umaga; 6:00 ng umaga; 8:00 ng umaga; at 10:00 ng umaga. At 12:00 ng tanghali; 3:00 ng hapon; 5:00 ng hapon at 7:00 ng gabi. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads April 4, 2022

  • BALASAHAN NG PERSONNEL SA NAIA

    NAGSAGAWA ng pagbalasa ang Bureau of Immigration (BI) ang halos 400 na personnel nito na naka-assigned sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bahagi ng ahensiya na maiwasan ang korapsiyon sa kanilang hanay.     Ayon kay BI port operations division chief Atty. Carlos Capulong na may kabuuan na 398 na mga immigration officers na […]

  • First time na mag-e-endorse ng underwear brand: JOSEPH, diet muna ngayong Pasko at Bagong Taon para sa sexy photo shot

    FIRST time na mag-e-endorse ang Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco ng kilala at sikat na underwear brand na Hanford na itinatag pa noong 1954 na matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy sa mga nakaraang henerasyon.   Aminado si Joseph na matagal na niyang dream na magkaroon ng underwear endorsement at makita ang sarili […]