• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paalala sa lahat na maging matapat, mapanuri at patas: DINGDONG at MARIAN, pinangunahan ang election advocacy campaign na ‘Dapat Totoo’

BUKOD sa GMA News and Public Affairs personalities, full-force rin ang mga Kapuso celebrity sa election advocacy campaign ng GMA na ‘Dapat Totoo.’

 

 

Pinangunahan ito nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga bigating artista na kasama sa nasabing proyekto na ang full video ay unang umere sa TV nitong Biyernes, March 25.

 

 

Ang pagsasama-sama ng Kapuso stars ay bilang pagpapaalala sa publiko na kahit tayo ay magkakaiba, pareho pa rin ang pangarap natin para sa bansa at sa bawat Pilipino: disente at ligtas na buhay at magandang kinabukasan.

 

 

At pare-pareho rin tayong may responsibilidad mapa-kandidato, botante, o mamamahayag man: ang maging matapat, mapanuri, at patas. Dapat Totoo ika nga lalo na’t ilang araw na lang, Eleksyon 2022 na!

 

 

Kasama rin sa ‘Dapat Totoo’ advocacy campaign ng Kapuso Network sina Bea Alonzo, Rhian Ramos, Jasmine Curtis Smith, Barbie Forteza, Bianca Umali, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ken Chan, Rita Daniela, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Aicelle Santos, Glaiza De Castro, at Andrea Torres.

 

 

Nauna na ang mga GMA News and Public Affairs pillars at news personality sa ‘Dapat Totoo’ advocacy plug na ni-launch late last year.

 

 

***

 

 

KAPUSO na nga ang young singer at songwriter na si Zephanie (Dimaranan) after ng contract signing na naganap noong Huwebes, March 31.

 

 

Ayon kay Zephanie gusto niyang makasamang mag-perform sina Mark bautista, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, at Lani Misalucha.

 

 

At ngayong Linggo, inaasahan na mapapanood na ang Generation’s Pop Princess sa noontime musical-variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays.

 

 

Sanib-puwersa na ngayon ang Cornerstone Entertainment at Sparkle GMA Artist Center sa pangangalaga ng career ni Zephanie.

 

 

Ang 19-year-old singer ay produkto ng isang talent search reality show. Isa sa kanyang labis na hinahangaan si Popstar Princess Sarah Geronimo. Kaya naman sa kanyang auditions, kinakanta niya ang classic hit ng iniidolo, ang “Forever’s Not Enough.”

 

 

Ilan sa mga awitin ni Zephanie “Isa Pang Araw,” “Pangarap Mong Parangap Ko,” “Tinadhana Sa’yo” at ” Magpakita Ka Na.”

 

 

Sa naging pahayag ng Sparkle Consultant na si Mr. Johnny Manahan, “Zephanie is known for her beautiful and powerful voice, her disarming smile, and great personality. She is a popular product endorser and a strong social media celebrity with millions of views and followers.

 

 

Sparkle is so proud to have her as part of our growing family and wish her the best of luck and lots of exciting projects at GMA,”

 

 

“We are very happy to welcome Zephanie to the Sparkle family. She will be singing the Summer theme for Sparkle so we hope everyone will watch out for that! Her Kapuso family is also excited to welcome Zephanie in All Out Sundays this Sunday.

 

 

We really want to harness the powerhouse talent of Zephanie, to watch her grow as an artist, and to see her in more programs and projects in GMA”, sabi naman ni Gigi S. Lara, Senior Assistant Vice-President for Alternative Productions.

 

 

Ayon naman kay Jeff Vadillo, Vice President of Cornerstone Entertainment, “We are excited, Zephanie will shine even more with our new partnership with Sparkle. Looking forward to new possibilities and platforms where Zephanie can showcase her talents.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay

    Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.     Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning […]

  • P20/kilo ng bigas, tutuparin ni Marcos

    NANGAKO  si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutuparin ang pangako na ibababa sa P20 per kilo ang presyo ng bigas habang binibigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka.       Sinabi ni Marcos noong Huwebes na nakikipag-usap na siya sa ilang traders upang panatilihin muna ang presyo ng bigas sa kasalukuyang presyo.     […]

  • COLLEEN HOOVER INVITES FILIPINO FANS TO WATCH “IT ENDS WITH US,” THE MOVIE ADAPTATION TO THE #1 NEW YORK TIMES BESTSELLING NOVEL

    #1 New York Times bestselling author Colleen Hoover is excited to share with her fans in the Philippines the big screen adaptation of her romance novel It Ends With Us. The film follows the journey of Lily Bloom (Blake Lively) as she chases her lifelong dream of opening her own business, while she wrestles with […]