• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakit  lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding.

 

 

Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo sa kanilang health centers upang mabigyan ng gamot prophylaxis upang maagapan ang posibilidad na pagkakasakit ng leptospirosis.

 

 

” Yung preventive measures natin for specific diseases atin pong pinaalala at isa dun itong leptospirosis”, pahayag pa ni Vergeire

 

 

Paalala rin ni Vergeire na kailangang maglinis ng kapaligiran para ang banta ng leptospirosis ay mawala rin.

 

 

“Tandaan po natin, nakukuha ang leptospirosis most common dito sa ating bansa through the urine ng isang daga na maaring andun siya sa basurahan, nagbaha, nakasama siya dun sa tubig baha” , ani Vergeire

 

 

Kung may kaunti aniyang sugat at lumusong sa tubig baha ay maaring makuha ang leptospirosis. (Gene Adsuara)

Other News
  • Jiu Jitsu champion sa Brazil na si Leandro Lo patay matapos barilin

    PATAY matapos barilin ang sikat na Jiu Jitsu champion ng Brazil na si Leandro Lo.     Ayon sa mga kapulisan ng Sao Paulo, naganap ang pamamaril sa 33-anyos na si Lo sa isang night club sa Saude.     Isa umanong off-duty na pulis ang nakabaril sa ulo ng biktima na mabilis na tumakas […]

  • $672 milyong investment pledges nakuha ni PBBM sa APEC trip

    NAKAKUHA  nang mahigit $672,300,000 mga pangakong pamumuhunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  mula sa iba’t ibang sektor sa kanyang matagumpay na paglahok sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo.     Kabilang sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo ay may kinalaman sa teknolohiya, internet […]

  • Nag-leave sa senado para magpagaling: Sen. BONG, ‘di na muna itutuloy ang pagbabalik-pelikula

    IIWANANG pansamantala ni Senator Bong Revilla ang senado.       Nag-medical leave ang senador last Tuesday, May 14 ayon na rin sa payo ng kanyang mga doktor.       Kailangan kasi ni Sen. Bong na ipahinga nang husto ang kanang paa na kailangan ang maayos at mabilis na pagpapagaling nito.       […]