• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30

MANDATO talaga  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa.

 

Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan.

 

“Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung mayroon na tayong national ID system,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“In the same way, magagamit din po iyang national ID system para maiwasan iyong fraud diyan sa PhilHealth kasi at least malalaman natin kung buhay o patay iyong isang nagki-claim ng benefit,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, plano ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magsagawa ng pre-registration sa national identification system sa Oktubre.

 

Ayon kay NEDA chief Karl Chua, unang target muna nilang mairehistro ang nasa 5 milyong mga Filipino.

 

Aminado ito na isang malaking hamon ngayon ang COVID-19 pandemic.

 

Isasagawa muna nila ang pre-registration para pagdating ng registration ay hindi na sila mahihirapan pa.

 

Sa 2021 budget ay mayroong inilaan na P4.1 billion para sa implementasyon ng national ID system sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna

    LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.   Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San […]

  • Excited na rin sa kanilang Christmas vacation: KIM, gustong mapanood si XIAN na mag-direk pero ‘di pinapayagang dumalaw

    NATUWA ang mga fans ni Kapuso actor Tom Rodriguez, nang mag-post ang manager niyang si Popoy Caritativo ng “see you soon!”     Dahil very active na rin muli si Tom sa kanyang Instagram, marami ang nag-post ng comments na natutuwa sila kung magbabalik na muli si Tom sa pag-arte dahil nami-miss na nila ang […]

  • Sinulit ang panahong nasa bansa: Bonding ni BB sa mga anak na nina ROBIN at MARIEL, ang gandang tingnan

    ANG gandang tingnan na nakikipag-bonding na si BB Gandanghari sa mga anak na nila Robin Padilla at Mariel Rodriguez.     Sa Instagram post ni BB, binisita niya ang dalawang pamangkin kay Robin na sina Isabella at Gabriela.     “#childLike: Don’t worry, be happy. Being in the presence of children has the ability to […]