Pabirong sinisi sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy: ALEX, hindi na pine-pressure ang sarili na mabuntis
- Published on October 14, 2024
- by @peoplesbalita
“HINDI ko na pini-pressure ngayon. Dati kasi prinessure ko, pero ang ate (Toni Gonzaga) ko ang nabuntis!” pahayag ni Alex Gonzaga sa presscon ng ini-endorse na Chef Ayb’s Paragis Tea kasama sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.
Suportado naman siya ni Mommy Pinty… “Dati ayaw pa niyang ipatanggap sa akin ang mga concert sa abroad, dahil baka mabuntis daw siya. Pero ngayon, ‘go na mommy’!”
Say pa ng misis ni Mikee Morada, “Dati kasi nagpaplano pa kami, na baka mabuntis nga ako, tapos nakatanggap ng concert, baka mahirapan ako, o hindi matuloyg. Pero ngayon, wala nang pressure.
“Last time kasi na na-pressure ako, ang Ate (Toni) ko ang nabuntis. Baka this time, ma-pressure ako, si Mommy na ang mabuntis. Nakakatakot! Natakot na ako! Hahahaha!”
Dagdag pa ni Alex, “Pero sinisisi ko sila (Mommy Pinty, Daddy Bono). Kung noong 20 years old na ako, pinabuntis niyo na ako, pinalandi niyo na ako, ‘di wala na sanang problema ngayon.
Hahahaha!”
Itinanggi naman ni Mommy Pinty na mas malaki ang talent fee nila ni Daddy Bono kumpara sa anak, dahil sabit lang silang mag-asawa.
Wala na raw budget kaya hindi nila nakasama si Toni bilang endorser.
Pahayag naman ng pamilya Gonzaga sa kanilang ini-endorse…
“I’ve always been passionate about health and wellness, and finding products that are not only natural but truly effective is so important to me. “Chef Aybs’ Paragis Tea has become part of my daily routine—it’s a simple way to detox and feel energized. I’m thrilled to be part of this journey and share it with my family and all of you,” sabi ni Alex.
Say naman ni Mommy Pinty, “As a mother, I’m always looking for ways to keep our family healthy. Chef Aybs’ Paragis Tea is a product that I trust because it’s rooted in tradition and made with care. It’s an honor to represent something that aligns with our values of well-being and family.”
Binigyang-diin naman ni Daddy Bonoy ang mga benepisyo ng Paragis tea para sa pangkalahatang kalusugan.
“Taking care of our health has always been important to us, and Chef Aybs’ Paragis Tea makes it easy. It’s refreshing and full of natural benefits, and I’ve noticed a real difference since I started drinking it. We’re excited to be part of this campaign and show everyone how Paragis Tea can fit into their daily lives.”
Nag-aalok ang Chef Aybs’ Herbal Tea ng hanay ng mga natural na produkto, lahat ay ginawa gamit ang parehong pangako sa kalidad at kagalingan.
Ang pakikipagtulungan sa pamilya Gonzaga ay naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino ay yakapin ang isang malusog na pamumuhay at gamitin ang Paragis Tea bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na wellness routines.
(ROHN ROMULO)
-
Tsina, muling sinisisi ang Pinas sa tensyon sa South China Sea
SINISISI ng Tsina ang Pilipinas sa sinasabing non-adherence o hindi pagsunod sa kasunduan sa South China Sea dahilan ng pagtaas ng tensyon sa katubigan. Kinuwestiyon kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang umiiral na “gentleman’s agreement.” Hindi naman direktang nag-komento ang Chinese Embassy in Manila sa tahasang pagtanggi ni Pangulong Marcos […]
-
SEC desidido nang ipasara Rappler Inc.; news outlet aapela
DESIDIDO ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatupad ang 2018 decision nito na ipasara ang media company na Rappler Inc., bagay na pumutok ilang araw bago matapos ang termino ni President Rodrigo Duterte. Kinatigan ng SEC ang nauna nitong utos, eksakto isang linggo matapos ibalitang ipina-block ng gobyerno sa sites ng news […]
-
Higit 4M katao apektado ni Ulysses — NDRRMC
Umabot na sa apat na milyon ang residenteng naapektuhan ng bagyong Ulysses, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa report ng NDRRMC, pumalo ang kabuuang bilang sa 4,079,739 katao habang 995,476 pamilya ang apektado sa 6,644 barangay sa buong bansa. Karamihan dito ay mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, […]