• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacman handa na sa laban

Ibinida ng kampo ni boxing superstar Sen. Manny Pacquiao na handa ito at hindi na kailangan ang mahabang oras upang magpalakas sakaling muling tumapak sa ibabaw ng ring.

 

Ito ang reaksyon ng Pacquiao camp sa pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum na niluluto na umano nito ang bakbakan sa pagitan ng Fighting Senator at ni WBO welterweight champion Terence Crawford.

 

Sinabi ni head trainer-coach Buboy Fernandez na handa si Pacman anomang oras matanggap nila ang petsa para sumabak sa laban ang kanyang alaga.

 

Isiniwalat ni Fernandez na kahit may lockdown,  tuloy-tuloy ang light training ni Pacquiao kaya hindi problema ang pagpapatibay sa stamina nito sa oras na ilabas na ang schedule.

 

Pero ayon kay Fernandez, nasa kanila pa rin ang huling salita kung sino ang gustong sagupain ng Pambansang Kamao.

 

Sa ngayon ay naghihintay umano sila kung may mabubuong kasunduan sa pagitan ng magkabilang panig.

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang adopsyon ng Nat’l Cybersecurity Plan 2023-2028

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang adopsyon at implementasyon ng National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 para palakasin ang seguridad at katatagan ng cyberspace ng bansa. Sa ilalim ng Under Executive Order (EO) 58 na tinintahan ni Pangulong Marcos nito lamang Abril 4, ang NCSP 2023-2028 na nilikha ng Department of Information and Communications […]

  • Magno magpapaboksing para sa mga na-Ulysses

    ILISTA na sa humahabang talaan ng mga atletang may mabubuting kalooban si Irish Magno.   Aaayuda rin ang 29-anyos na dalagang tubong Janiuay, Iloilo sa mga nakalamidad.   Si Magno ay patungong 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 dahil sa pandemyang Covid-19.   Sa pinaskil niya Facebook account, […]

  • Tokyo Olympics: Ilang torch relay staff, nagpositibo sa COVID; torneyo, tuloy kahit ‘closed doors’

    Nasa walong miyembro na ng Tokyo Olympics torch relay sa Kagoshima, Japan, ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID).     Ayon sa mga otoridad, ang mga naapektuhan ng COVID ay responsable sa pagkontrol ng traffic sa nasabing bansa.     Tatlo sa kanila ay nagtatatrabaho sa Lungsod ng Amami, habang tatlo ay sa Kirishima City. […]