Pacquiao bumubuo na ng game plan kontra Ugas
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
Bumubuo na ng bagong game plan ang kampo ni People’s Champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas.
Nabago ang kalaban ni Pacquiao matapos matuklasang may eye injury si World Boxing Council at International Boxing Federation titlist Errol Spence Jr. sa prefight medical examination.
Sumailalim agad sa eye surgery si Spence kahapon sa Amerika.
Dahil sa mga pagbabago, gumagawa na rin ng solidong plano ang Team Pacquiao para kay Ugas kabilang na ang panonood sa mga nakalipas na laban nito.
Magtutuos sina Pacquiao at Ugas sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) kaya’t may halos dalawang linggo pa ang tropa ng Pinoy champ para makabuo ng game plan.
Isa na rito ang pagpapalit ng sparring partners. Kaliwete ang mga naunang sparring partners ni Pacquiao dahil kaliwete si Spence.
Sumalang agad si Pacquiao sa walong rounds ng sparring sessions kaharap ang tatlong right-handed boxers.
Sa mahigit dalawang dekada sa boxing, sanay na si Pacquiao sa mga ganitong uri ng biglaang pagbabago kaya’t hindi na mahirap para sa kanya ang adjustments.
Hindi ganun kaningning ang pangalan ni Ugas kumpara kay Spence subalit walang balak magpakampante si Pacquiao.
At handa itong bigyan ng magandang palabas ang mga boxing fans.
-
Ibabahagi sa mga fans ang kanyang 35 taong paglalakbay: ICE, sobrang excited sa first major solo concert after ten years
SA nakalipas na 35 taon ay nasubaybayan ng buong bansa ang buhay ni Aiza Seguerra na kilala ngayong Ice Seguerra na isang icon ng pelikula at telebisyon, child star wonder, certified OPM hitmaker, at ngayon ay live events at TV director na rin. Ang kanyang paglalakbay ang nagdala sa kanya sa pagdiskubre hindi lamang ng […]
-
STEPHEN CURRY, JOEL EMBIID TINANGALAN NA NBA PLAYERS OF THE WEEK
Hinirang sina Golden State Warriors guard Stephen Curry at Philadelphia 76ers center Joel Embiid bilang NBA Players of the Week para sa Linggo 4. STEPHEN CURRY, GOLDEN STATE WARRIORS Ang dalawang beses na NBA MVP ay isa sa pinakamahusay na pagsisimula sa kanyang karera sa NBA. Pinangunahan niya ang Warriors sa 2-1 record noong […]
-
Ika-95 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Ka Blas, ginunita ng mga Bulakenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Ginunita ng mga Bulakenyo ang ika-95 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople sa pamamagitan ng isang simpleng programa na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kaninang umaga sa lungsod na ito. May temang, “Tulad ni Ka Blas, Maging Lingkod Bayan na sa Hamon ng Panahon ay […]