• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pacquiao-Crawford megabout posible sa 2021’ – Arum

Tiwala si Top Rank CEO Bob Arum na mangyayari na sa susunod na taon ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at American superstar Terence Crawford.

http://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/Crawfordthumb.jpg

Ayon kay Arum, nais nilang makipag-usap muli sa kampo ni Pacquiao kasunod ng technical knockout win ng kanyang alagang si Crawford sa naging laban nito kontra kay Kell Brook kahapon.

 

“Now, they called us and said if Terence is successful, then we want to resume talks and see if we can do it in the spring,” wika ni Arum.

 

Hunyo pa lamang ay inihayag na ng beteranong promoter na positibo itong mapaplantsa nila ang laban, kung saan ang Bahrain ang posibleng maging venue.

 

Maging ang pound-for-pound king na si Crawford ay hindi rin itinatago ang kanyang pangarap na makaharap ang Pinoy ring superstar, lalo pa’t nais nitong magkaroon ng statement win kontra kay Pacman.

 

“I want to revisit that fight,” ani Crawford. “We had the venue. The money was almost there. It wasn’t quite there. That was the only thing we were waiting on.”

 

Sa ngayon, wala pang tugon ang panig ni Pacquiao kaugnay sa hamon ni Crawford.

Other News
  • Para palakasin ang PH-US security ties: VP Harris nasa Pinas na

    DUMATING na sa Pilipinas si  United States (US) Vice President Kamala Harris para sa serye ng engagements nito kabilang na ang pakikipagpulong kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.     Nakatakda ring bumisita si Harris sa  Palawan.     Sina Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Pasay City […]

  • SHARON, nag-react sa ‘fake news’ na pinagkakakitaan ng mga vloggers sa YouTube

    SA latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta, inamin na nagkakaroon pa rin siya ng sleepless night, na malamang dahil din sa stress.     Klinaro rin ni Mega na hindi lang siya nagbabakasyon sa Amerika, dahil nagtatrabaho rin siya.     Post niya, “Another sunrise after a night of no sleep…Is this still jetlag? […]

  • ‘Tips’ vs cybercrime, ibinahagi ng PNP

    Dahil sa dumaraming kaso ng cybercrime kaya muling nagpaalala at nagbigay ng tips ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasang mabiktima ng mga ito.     “Avoid unsecured Wi-Fi hotspots; set your device so that it doesn’t automatically connect to external sources”.     Isa ito sa ibinahaging paalala at tips ng  Philippine National Police […]