• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao dapat labanan si McGregor- Del Rosario

ANG  pagsagupa ni retired world eight-division champion Manny Pacquiao kay Ultimate Figh­ting Championship (UFC) star Conor McGregor ang dapat maitakda.

 

 

Ito ang paniniwala ng retiradong taekwondo li­ving legend na si Monsour del Rosario sa hinihintay ng mga fans na exhibition match nina Pacquiao at McGregor.

 

 

“It’s still the fight that people would love to watch, including me because both fighters are real certified crowd drawer in their res­pective sports,” sabi ni  del Rosario, ang 1987 at 1989 Southeast Asian Games gold medalist.

 

 

Idinagdag ng 1985 Seoul, Korea World Championships bronze medalist at 2017 Taekwondo Man of the Year na ang McGregor fight  ang magpapasok kay Pacquiao ng malaking pera na maaari nitong gamitin para sa kanyang charitable cause.

 

 

Kamakailan ay inihayag ng dating Senador ang kanyang exhibition bout kay South Korean YouTuber DK Yoo sa Disyembre.

 

 

Ang Paradigm Sports Management (PSM) na nasa ilalim ng CEO Audie Attar ang manager ni McGregor.

 

 

Ngunit may nakasampang legal case ang PSM sa 43-anyos na si Pacquiao sa Superior Court of California dahil sa breach of contract noong 2021.

Other News
  • Express delivery nilooban ng armadong mga holdaper, babaeng kawani binaril, sugatan

    MALUBHANG nasugatan ang isang babae matapos barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kaagad na isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang 26-anyos na biktima na nakatalaga sa cash-on-delivery (COD) remittance ng J & T Express matapos magtamo […]

  • PBBM, sa usapan ukol sa pagtanggap ng Afghans sa Pinas: May progreso pero may balakid

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga  Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos.     Sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito.     Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa […]

  • 1.3-M na 4Ps beneficiaries, inalis na sa listahan – DSWD

    NAGLAHAD ng kanyang presentation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Welfare Sec. Erwin Tulfo sa ginanap na cabinet meeting sa Malacanang hinggil sa ipinatutupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na sa report ni Tulfo sa Pangulo, tinatayang 1.3 milyong benepisyaryo ng 4Ps […]