• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte

Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.

 

 

Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang kurapsyon.

 

 

Inuna ng fighting senator na kuwestiyunin ang Department of Health (DOH) kung saan tinanong nito kay DOH Secretary Francisco Duque kung saan napunta ang mga perang ginagastos para sa pandmenya.

 

 

Ikinalungkot pa ng senador na bakit pa sa kurapsyon pa sila nagtatalo dahil mas kailangan ng bansa ang lider na lumalaban dito.

 

 

Magugunitang nitong Lunes ng gabi ng galit na hinamon ng Pangulo ang senador na kapwa kapartido sa PDP-Laban na ituro sa kaniya ang opisina na may nangyayaring kurapsyon.

 

 

Agad aniyang bibigyan ng pangulo ng aksyon ang opisina at sakaling walang maituro ang senator ay ikakampanya ng pangulo na huwag iboto si Pacquiao.

 

 

Manny kay Duterte: ‘Di ako sinungaling’

 

 

Samantala agad ding nagbigay ng pahayag ang Senador sa akusasyon sa kanya:

 

 “Hindi ako sinungaling”. Ito ang sagot ni Sen. Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro ang mga korap na tanggapan at opisyal ng gobyerno.

 

 

Sa pahayag ng tanggapan ni Pacquiao, tinatanggap umano niya ang hamon ng Pangulo kasabay ng pasasalamat na binigyan siya ng pagkakataon na magbigay ng mga impormasyon para sa kampanya ng administrasyon kontra korapsyon.

 

 

Subalit bwelta niya, hindi siya sinungaling.

 

 

Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguni’t hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,” wika ng senador.

 

 

Una namang sinilip at binusisi ni Pacquiao ang lahat ng mga binili ng Department of Health (DOH) na rapid test kits, PPE, mask at iba pa. Hinamon din niya si Sec. Francisco Duque na ipakita ang kabuuan ng ginagastos dito.

 

 

Tanong pa ng Senador saan napunta ang pera na inutang ng gobyerno para sa pandemya.

 

 

“Nakakalungkot na sa isyu ng korapsyon kami magtatalo, dahil ang kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito,“ ayon pa kay Pacquiao. (Daris Jose)

Other News
  • P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses

    MULING nanawagan ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na pabutihin ang kundisyon ng mga nurse sa bansa, kabilang ang pagbibigay ng P50,000 basic salary kada buwan, upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa Pilipinas.     Sa isang pahayag sinabi ng FNU ang hinihinging ‘entry salary’ na P50,000 sa pampubliko at […]

  • Pebrero, sinalubong ng malakihang taas-presyo sa LPG

    SINALUBONG ng malakihang-pagtaas sa presyo ng liquefied pet­roleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Pebrero.     Ito’y isang araw lamang matapos na magpatupad din ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.     Ayon sa Petron at Phoenix, nagpatupad sila ng P11.20 na taas-presyo sa kada […]

  • Warriors star Curry at BTS member Suga nagkita na

    NAGKITA  na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga.     Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit.     Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga. […]