Pacquiao mas malakas kay Floyd — Paul
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
Di hamak na mas malakas si eight-division world champion Manny Pacquiao kumpara kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.
Ito ang pananaw ni YouTuber Logan Paul matapos bumisita sa training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.
Personal na nakita ni Paul ang lakas ng kamao ni Pacquiao.
Kaya naman, tama ang naging desisyon nito na si Mayweather ang nakaharap nito imbes na si Pacquiao dahil ayaw nitong maranasan ang bagsik ng kamao ng Pinoy pug.
Ibinahagi pa ni Pacquiao ang naging pagbisita ni Paul sa kanyang social media account.
“After watching me work out, he said he was glad he fought Mayweather instead of me. Honored to have @loganpaul come by Wild Card gym today,” ani Pacquiao.
Matatandaang nagtuos sina Paul at Mayweather sa isang exhibition match noong Hunyo sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida.
Maliban kay Paul, bumisita rin sa training ni Pacquiao si Filipino-American Jalen Green na isa sa tinututukang magiging top pick sa NBA Annual Rookie Draft.
Nasa puspusang paghahanda si Pacquiao para sa laban nito kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 22 Manila time sa Las Vegas, Nevada.
-
Wala pang balasahan: PBBM, susuriing mabuti ang mga miyembro ng gabinete- PBBM
SUSURIING mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa gitna ng kumakalat na tsismis na may nakaambang na malawakang balasahan sa gabinete ng Chief Executive. “Every time kailangan namang mag-evaluate ng Pangulo eh kung ang kaniyang secretaries, Cabinet members are doing well for the government, for the people,” ang sinabi ni […]
-
Gobyerno, sisimulan na ang pagbabakuna sa 5-11 years old sa Pebrero 4- Galvez
NAKATAKDANG simulan ng pamahalaan at pangasiwaan ang pagtuturok ng Covid-19 vaccine sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang sa Pebrero 4, 2022. “We are already prepared in the vaccination of 5 to 11 years old,” ito ang iniulat ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary […]
-
Yulo tumanggap ng higit P14 milyon cash prize sa Kamara
TUMANGGAP si Pinoy Olympic gold medalist Carlos Edriel Yulo ng mahigit P14-M cash sa Kamara habang tig P3.5-M ang dalawang boxers na nakasungkit ng bronze medal sa katatapos na Paris Olympic 2024. “You are our heroes, there is no limit to what we can achieve,” pahayag ni Romualdez. Ginawaran din si Yulo […]