Pacquiao may kausap na uli
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos gumuho ang plano sanang laban kontra kay World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford, balik sa negosasyon ang kampo ni Manny Pacquiao para sa kanyang susunod na laban.
Mismong si Pacquiao na ang nagkumpirma na may gumugulong na negosasyon para tuluyan nang maikasa ang kanyang pagbabalik-aksiyon.
Ngunit tumanggi si Pacquiao na magbigay ng eksaktong detalye para hindi ito maudlot.
Nais rin ng eight-division world champion na ang Paradigm Sports ang mag-anunsiyo dahil ito ang humahawak sa kanyang boxing career.
“The negotiations are ongoing. I will not go into details so that there will not be any problems,” ani Pacquiao na wala ring inihayag pa na detalye sa usaping pagreretiro.
“We won’t answer that for now, because that is part of the negotiations. That will be included in the announcement,” dagdag ng Pinoy champion.
Balik sa hot spot si dating world champion Mikey Garcia na posibleng makaharap ni Pacquiao.
Nauna nang naglabas ng teaser ang business manager ni Pacquiao na si Arnold Vegafria sa kaniyang Instagram account para sa Pacquiao-Garcia fight. Napaulat na sa Agosto ito target ganapin kung saan mananatiling sa Dubai, United Arab Emi-rates ang target na maging venue ng laban.
Ngunit hindi rin isinasantabi ni Pacquiao ang posibilidad na sa Amerika ito ganapin.
Walang magawa ang boxing community kundi ang maghintay sa magi-ging anunsiyo ng kampo ni Pacquiao.
-
28 bagong scholars, tinanggap ng Navotas
MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 bagong academic scholars para sa school year 2023-2024. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship sa 15 incoming high school freshmen, 11 incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas […]
-
Babae, inaresto sa paggamit sa anak sa online show
INARESTO ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae na ginagamit ang kanyang menor de edad na anak para sa online sexual show at exploitation. Nag-ugat ang operasyon mula sa idinulog na kaso ng Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) laban sa isang babae na umano’y ginagamit […]
-
Walang trabaho sa Pilipinas bumaba sa 1.18-M pero ‘job quality’ hindi gumanda
BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pahgtatapos ng Nobyembre 2023, ayon sa gobyerno — pero nananatili ang parehong underemployment. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, naitala ang unemployment rate noong naturang buwan sa 3.6%. “[This is] lower than the unemployment rates in November […]