Pacquiao- Mayweather malabo na!
- Published on September 28, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban.
Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather.
Ito ang mariing inihayag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.
Iginiit ni Mayweather na tapos na ang misyon nito sa professional boxing fight.
At wala na itong plano pang bumalik sa pro boxing upang maproteksiyunan ang kanyang katawan.
“I retired from the sport, I didn’t let the sport retire me. I’m not going to get in there – no former fighters, former world champions putting any more abuse on my body,” ani Mayweather.
Ginagawa na lamang ni Mayweather ang exhibition matches para mag-enjoy at mapasaya ang mga tagahanga nito.
“I retired for a reason. I’m here to have fun, enjoy myself, sometimes three rounds, and sometimes eight rounds with guys that’s going to help me entertain the people. I’m not going to take punishment to the point where I can barely walk and barely talk,” dagdag ni Mayweather.
Parehong retirado na sina Mayweather at Pacquiao.
Ngunit nilinaw ni Mayweather na magkaiba ang estado nila ni Pacquiao.
“Manny had a great career but boxing retired Manny, Manny didn’t retire from boxing. There’s a difference,” ani Mayweather.
Hangad ni Mayweather na maipagpatuloy ang kanyang buhay base sa kanyang desisyon gaya ng pagtanggap sa mga exhibition matches.
Naitala ni Mayweather ang second round knockout win kay Asakura noong Linggo ng gabi kung saan personal na nanood si Pacquiao sa laban.
Nakatakda ring sumalang sa isang exhibition match si Pacquiao kontra naman kay South Korean mixed martial artist at Youtuber DK Yoo sa Disyembre.
Idaraos ito sa Seoul, South Korea.
-
Adamson men, UST women kuminang sa NBA 3X Philippines
Kampeon ang Adamson University at University of Santo Tomas (UST) sa men’s at women’s open divisions ng NBA 3X Philippines noong Linggo sa Mall of Asia Music Hall. Mabilis na ginawa ng Adamson ang 5J Elite sa men’s final, 22-10. Ang koponan ay binubuo nina Jhon Arthur Calisay, Aaron Flowers, Ivan Jay Maata, […]
-
Magkakaroon pa ng formal announcement: ALDEN, nagsimula nang mag-shooting ng untitled movie nila ni JULIA
NAGSIMULA nang mag-shooting ng movie sina Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at si Kapamilya actress Julia Montes, last Sunday, April 16. Wala pang title ang movie na co-production venture ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment at under the direction of Ms. Irene Villamor. Maraming nagulat sa balitang ito dahil walang announcement […]
-
PDu30, hinikayat ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departamento na tutugon sa hinaing ng mga OFWs
MULING hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departmento na tutugon sa mga hinaing ng Overseas Filipino Workers (OFWs). Hiniling nito sa mga mambabatas na bilisan ang pagpapasa ng panukalang departmento. Matatandaang, hiniling na ito ng Pangulo sa kanyang ika-5 State of the Nation Address […]