• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nagpahayag ng pagbabalik sa ring matapos ang panalo kay DK Yoo

NAGPAHAYAG ng tuluyang pagbabalik sa boxing ring si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.

 

 

Kasunod ito sa panalo niya sa exhibition fight laban kay martial artist DK Yoo sa Goyang, South Korea.

 

 

Nakita nito kaya niyang patumbahin ng maaga ang malaking kalaban sa kanilang six-round charity boxing match subalit mas minabuti pa ng dating senador na manalo sa pamamagitan ng unanimous decision.

 

 

Mas higit pa ito aniya sa panalo dahil sa nakikita niya ang kaniyang pagbabalik sa boxing ring.

 

 

Sa nasabing laban kasi ay dalawang beses nitong pinabagsak si Yoo sa ikalimang round.

 

 

Ayon sa 43-anyos na Filipino boxing champion na labis na hinahanap ng kaniyang katawan ang boxing kaya hindi nito lubos maisip kung walang boxing.

 

 

Hindi naman nito kinumpirma kung babalik siya sa boxing ring sa susunod na taon.

 

 

Huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 ng talunin siya ni Urdonis Ugas ng Cuba at nag-anunsiyo na siya ng kaniyang pagreretiro sa record na 62 panalo, walong talo at dalawang draw na mayroong 36 knockout. (CARD)

Other News
  • Green muling aasahan ng Warriors

    LABAS-masok man sa krusyal na bahagi ng fourth quarter sa panalo ng Golden State Warriors sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals noong Sabado ay isa pa rin si Draymond Green sa mga aasahan ni coach Steve Kerr sa Game Five ngayon (Manila time).     “Draymond is Draymond. He’s going to bring […]

  • Bansang Vietnam, mahalagang partner ng Pilipinas pagdating sa rice imports at para masiguro ang food security – PBBM

    NANGAKO  ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa lider ng Vietnam na sinasabi niyang mahalang partner para masiguro ang food security sa bansa.     Ito ang naging pahayag ng Pangulong Marcos sa bilateral meeting kasama ang Vietnamese Prime Minister na si Pham Minh Chinh sa sidelines ng 40th at 41st […]

  • ‘Nangyayari ngayon sa Ukraine isang ‘senseless massacre’ – Pope Francis

    TINAWAG na “senseless massacre” ni Pope Francis ang kaguluhang nagaganap ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Ipinahayag ito ng santo papa sa kanyang address at blessing sa St. Peter’s Square kasabay nang paghikayat sa mga pinuno ng international community na lubos na gumawa ng paraan upang pigilan ang kasuklam-suklam na digmaan sa […]