• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas

Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona.

 

 

Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming bagay na ang kanyang ginawa sa pagboboksing, at marami rin ang naging kapalit nito sa kanyang buhay.

 

 

Sa ngayon, pinag-iisipan na raw niya ang kanyang future sa boxing at nakikita na rin ang kanyang sarili makasama pa lalo ang kanyang pamilya.

 

 

Bagama’t talo, labis namang nagpapasalamat si Pacquiao sa kanyang mga fans na pumunta sa laban nila ni Ugas.

 

 

Nagpasalamat din siya sa suporta ng mga ito sa kanya at sa pagkakataon na maibahagi ang kanyang mga karanasan sa pagboboksing.

 

 

Magugnita na mula noong Enero 1995 ay lumalaban na si Pacquiao sa boxing bilang isang professional athlete.

 

 

Sa kanyang 72 professional bouts, kinikilala si Pacquiao sa ngayon bilang tanging eight-division world champion.

Other News
  • Pinaghandaan talaga ang role sa ‘Iron Heart’: RICHARD, aminadong mas nahirapan ngayon na magpaganda ng katawan

    GUSTO namin ang nakikita naming attitude ng Kapuso actor na si David Licauco sa ngayon na tila hindi pa siya lulong sa instant fame na meron siya.     Sabi nga ni David, “Hindi pa naman po,” na sinasabihan siyang superstar.     “Pwede rin naman po na dahil nagustuhan lang nilang talaga yung role […]

  • Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon

    Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol […]

  • ABSOLUTE PARDON IPINAGKALOOB KAY PEMBERTON

    NAGPALIWANAG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging desisyon na pagkalooban ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.   Ang dahilan ayon sa Pangulo ay hindi kasi binigyan ng patas na pagtrato ng Pilipinas si Pemberton.   Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi kasalanan Pemberton kung […]