• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nasa huling linggo na ng training camp sa Hollywood, California

Nasa huling linggo na ng kanyang training camp si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, bago ang big fight sa August 22.

 

 

Aminado ang Hall of Famer coach na si Freddie Roach na hindi na siya nagulat na sa ead na 42-anyos ngayon ng Pinoy ring icon, ito pa rin ang pinakamatinding boksingero na kanyang nahawakan pagdating sa training.

 

 

Ayon kay Roach, ang nalalapit na laban ni Pacman kontra sa 11 taon na mas bata sa kanya na si Errol Spence ay maituturing na isa sa biggest fight ng kanyang career.

 

 

Aniya, ang kanyang nakita na subsob sa pag-eensayo ng eight-division world champion ay nagpapakita lamang sa labis nitong pagkagutom na manalo at gayundin may nais pa itong patunayan sa ibabaw ng ring.

 

 

Gayunman, aminado rin ang sikat na trainer na posibleng ito na rin ang huling laban ng fighting senator lalo na at aagawin ng politika ang atensiyon ni Pacquiao sa mga darating na panahon.

Other News
  • Reassessment ng listahan ng 4Ps list, matatapos sa Setyembre-DSWD

    MATATAPOS sa Setyembre ang ginagawang reassessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).     Sinabi ni DSWD Secretary¬† Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang na may 700,000 pamilya ang ni-reassessed upang makita kung kailangan na ikonsidera pa ang mga ito bilang mahirap at maging […]

  • Phl Consulate General sa New York umapela ng pag-unawa sa mga botante kasunod ng delay sa delivery ng mga balota

    UMAPELA ng pag-unawa ang Philippine Consulate General sa New York sa mga Pilipinong botante doon kasunod delay sa shipment ng election paraphernalia mula sa Pilipinas.     Sinabi ni Consul General Elmer Cato na asahan ng mga Pilipinong botante sa New York at mga katabing lugar na matatanggap nila ang kanilang election packets sa mga […]

  • HAMON NG KMK KAY EXECUTIVE SECRETARY BERSAMIN KAUGNAY NG PAGPASLANG KAY KA JUDE FERNANDEZ

    HINAHAMON ng KMK ang administrasyong Marcos na kagyat na pangalanan ang lahat ng elemento ng PNP-CIDG na sangkot sa pagpatay kay Jude Thaddeus Fernandez, isang beteranong trade union organizer. Dahil inosente ang kanilang napaslang, dapat silang kagyat na irelieve sa kanilang mga posisyon at idetine habang gumugulong ang imbestigasyon.     Bagama’t may pauna nang […]