Pacquiao out, Cusi in bilang PDP-Laban president
- Published on July 19, 2021
- by @peoplesbalita
Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido at ipinalit si Energy Secretary Alfonso Cusi.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido ang nagpanumpa kay Cusi.
Nagpalabas naman ng mensahe si Pacquiao na kasalukuyang nasa Amerika upang mag-ensayo para sa nalalapit na laban kay Errol Spence.
Sinabi ni Pacquiao na bahala na sina Cusi kung mas importante sa kanila ang pulitika at sa huli ay mga mamamayan ang magdedesisyon kung sino ang kakatigan.
“Kung sa tingin nila Cusi at iba pa na mas importante ang politika sa ngayon, bahala na sila. Sa huli, isa lang naman ang tanong na dapat sagutin. Sino ba ang sasamahan ng taong bayan?” ani Pacquiao sa inilabas na statement.
Sinabi rin ni Pacquiao na nakakalungkot na nakapasok na sa Pilipinas ang Delta variant at ito ang dapat maging prayoridad ng gobyerno.
“Nakakalungkot na nakapasok na ang Delta variant sa Pilipinas at kapag hindi maagapan, marami ang maaaring mahawa. Ito dapat ang prayoridad ng ating gobyerno,” ani Pacquiao.
Matatandaan na mismong si Cusi ang nag organisa ng national assembly ng PDP-Laban sa Clark, Pampanga kung saan dumalo si Duterte. (Daris Jose)
-
Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million
Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial. Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay […]
-
Ads August 30, 2022
-
Hindi dapat maging bastos at walang galang dahil lamang sa usapin ng pinagtatalunang WPS
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS). Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs […]