Pacquiao tipo ni Garcia
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
MALABO nang makakaakyat ng ruwedang parisukat sa taong ito dahil sa pandemiya si reigning World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.
Pero may isang boksingero ang atat na makaupakan siya sa katauhan ni former four-division world champion Miguel Angel Garcia Cortez, na mas kilalang Mikey Garcia ng USA (40-1-0).
“Actually, we have not reached any agreement. I have not communicated with anyone from his team. But I would love it,” ani Garcia sa boxingscene.com.
“It would be an honor to go up in the ring with Manny Pacquiao. He is a legend. It would be something great and it is the fight that interests me the most,” aniya pa.
Sa ngayon kinakain ang oras ni Pacquiao sa sesyon ng Senado, sa pamilya at pagtulong sa mga mahihirap na pamilya sa panahon ng COVID-19.(REC)
-
Face to face classes sa Enero 2021, kanselado
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanselasyon ng face-to-face classes, na nauna nang inaprubahan ng Department of Education (DepEd) na magdaos ng pilot study sa Enero 2021. Ang kautusan ng Pangulo ay inihayag nito nang pangunahan ng Chief Executive ang Inter-Agency Task Force (IATF) meeting kasama ang mga infectious diseases experts kagabi, Disyembre 26, […]
-
Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup
Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup. Matatandaang kabilang ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup. Sisipa ang FIFA Women’s World […]
-
SHARON, at home sa West Coast, kung pwede doon na siya titira; nakapagbakuna na sa US
MARAMING fans and friends ni Megastar Sharon Cuneta ang natuwa sa Instagram post niya, a few days pa lamang na dumating siya sa Los Angeles, California, pero nakapagpa-bakuna na siya ng Moderna vaccine last May 17. Say ni Mega, “Vaccinated! Got my first dose of Moderna Vaccine! Thank you so much Nurse Trixia!” […]