• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao todo kayod na sa ensayo

Dalawang linggo na lamang bago ang laban kaya’t todo ensayo na si eight-division world champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Naglabas pa ng video si Pacquiao upang ipakita sa mga fans nito ang bilis ng kanyang kamao at footwork na gagamitin sa blockbuster fight nito kay Spence.

 

 

“Two weeks to go,” ayon sa post ni Pacquiao sa social media.

 

 

Tuwang-tuwa ang mga fans nito nang personal na masilayan ang training ni Pacquiao.

 

 

Umani ito ng malakas na palakpakan mula sa mga nanood.

 

 

Ayon kina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune, halos abot kamay na ni Pacquiao ang 100 porsiyento.

 

 

Subalit nag-iingat na rin ang Team Pacquiao upang makaiwas sa injury at sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Inaasahang makukuha na ni Pacquiao ang 100 porsiyentong peak form sa susunod na linggo.

 

 

“Kailangan kong ma­ging handa para sa laban. Kaya tuloy lang sa training dahil hindi birong kalaban si Spence. Isa siya sa pinakamagaling na boxer na makakalaban ko,” ani Pacquiao.

 

 

Hindi naman nakalimutan ni Pacquiao na magpa­salamat sa lahat ng Pinoy athletes na lumaban at matagumpay na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

 

 

Pormal nang nagtapos ang Tokyo Olympics kahapon sa Japan.

 

 

“Congratulations to all the Filipino athletes for their excellent performance in the Tokyo 2020 Olympic Games. We salute your commitment and determination to bring honor to our country. Mabuhay!” ani Pacquiao.

 

 

Wala pang anunsiyo si Pacquiao kung magbibigay ito ng pabuya sa mga me­dalists sa Tokyo Olympics.

Other News
  • Marcos Jr, walang personal na perang ginastos para sa kanyang kampanya- Atty. Dabatos

    HINDI gumastos ng kahit na isang sentimo na personal na pera si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong panahon ng kampanya nito.     Nagsumite na kasi ang kampo ni Marcos Jr. ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), araw ng Martes, Hunyo 7, isang araw bago ang deadline […]

  • Pinoy paralympic swimmer Gary Bejino bigong umusad sa 200m Individual Medley finals

    Bigo ang Pinoy paralympic swimmer na si Gary Bejino na umabanse sa sa finals sa men’s 200m Individual Medley sa paralympic games na ginaganap sa Tokyo, Japan.   Sa kanyang paglahok kanina pumuwesto siya sa ika-17 bilang pinakahuli sa mga sumabak sa 200 meters medley. Nanguna bilang may pinakamabilis na paglangoy ang pambato ng Colombia. […]

  • TUPAD ‘di ginagamit sa ‘Cha-cha’ – DOLE

    ITINANGGI ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na gina­gamit ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program kapalit ng pagpapapirma para sa “people’s initiative” na magtutulak sa pag-amyenda sa Konstitusyon.     Kasunod ito ng mga pagbubulgar ng ilang mambabatas na ginagamit umano ang TUPAD para mapapirma ang mga […]