• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Padilla balik sa putukan

MULING magpapaputok buhat sa siyam na taong pagreretiro si multi-titled shooter Nathaniel ‘Tac’ Padilla para palakasin ang national team sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa darating na Nobyembre 21-0Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ito ang ibinunyag Biyernes ng gabi sa People’s BALITA Sports  ni Philippine National Shooting Association (PNSA) pistol director Ronaldo Hejastro.

 

 

“Tac Padilla will return to strengthen our pistol team,” lahad ng opisyal, na siya ring pistol and rifle training & competition in charge ng samahan patungkol sa five-SEA Games champion at former national teammate niya.

 

 

Pagkaretiro bilang noong 2011, nag-chairman si Padilla, 57, ng PNSA national youth development program noong 2012, nagsilbing chef-de-mission ng Team PH sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China noong 2013 at ginugol ang panahon sa pagiging general manager ng family-owned Spring Cooking Oil sa Malabon City.

 

 

May tsansa muling higitan ng 1976 Mexico Benito Juarez World Shooting Championships gold medalist ang rekord na 18 paglahok sa 11-nation biennial sportsfest, na naudlot nang alisin ang kanyang event sa Myanmar 2011 SEA Games. (REC)

Other News
  • Sa pagtatapos ng sitcom nila ni Bossing Vic: MAINE, may tsikang makakasama ni ATOM sa ‘Extra Challenge (Reloaded)’

    KUNG napanood na muli si Maine Mendoza sa “Eat Bulaga” last Saturday, May 6, nagpaalam naman siya kinagabihan sa finale episode ng comedy show nilang “Daddy’s Gurl” sa GMA-7, na nagtatampok sa kanilang mag-ama, si Itang Barak Otogan (Vic Sotto) at siya naman ang anak na si Visitacion or Stacy Otogan.       Maine penned […]

  • Naninibago sa pagbabalik sa Instagram at Tiktok: TOM sa teatro muna sasalang sa pamamagitan ng ‘Ibarra: The Musical’

    NAKATUTUWANG mapanood muli si Tom Rodriguez sa telebisyon matapos ang ‘pamamahinga’ nang halos dalawang taon.     Nagpainterbyu si Tom kay Nelson Canlas sa ‘Chika Minute’ at nagbahagi ng naging buhay niya sa Arizona sa USA.     “Two weeks lang dapat ako nandun,” lahad ni Tom, “nawili rin ako. Long story short, I really […]

  • SISIHAN DITO SISIHAN DOON

    Ang isyu ng paglobo ng bilang na tinamaan ng “Corona Virus” ay nagbunga ng sisihan sa pagitan ng ilang sector ng mamamayan at pamahalaan.     Ayon sa ilang mamamayan kulang umano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa “Corona Virus” na isang taon ng namamayagpag sa ating bayan.     […]