• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Padilla nagbitiw bilang PDP-Laban executive VP, mananatiling miyembro

INIHAYAG ni Sen. Robinhood Padilla, Martes, ang kanyang pagre-resign bilang executive vice president ng PDP-Laban, partidong pinangungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Inanunsyo niya ito ilang araw matapos magbanta ng pag-alis sa partido kung hindi raw susuportahan ng grupo ang Charter change, bagay na sinang-ayunan ng PDP-Laban kalaunan.

 

 

“As an incumbent senator with a heavy mandate, I am aware that other duties—including my position as EVP of the party—must give way to my ability to fulfill my sworn duty to the people,” wika niya sa isang pahayag kanina.

 

 

“I believe my decision is for the good of the party and its members—and more importantly, for the Filipino people.”

 

 

Bilang dating bahagi ng National Executive Committee ng partido, meron siya noong kapangyarihang humalili sa pangulo ng PDP-Laban kung sakaling mawawala, mawalan ng kapasidad, masuspindi, mag-resign, o masipa.

 

 

Nag-resign ang actor-turned-senator matapos ang tsismis na House coup na ginawa raw ng dating presidente at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo, bagay na kanya namang itinatanggi.

 

 

Una nang binanatan si Padilla matapos kumalat ang isang video mula noong ika-16 sa isang plenary session kung saan Filipino ang kanyang pagtuggon, dahilan para akusahan siya ng pag-itsapwera sa “parliamentary procedures.”

 

 

Matatandaang sinabi ni Sen. JV Ejercito na hamon ito sa kanya atbp. senador na gumamit ng parliamentary terms sa wikang pambansa, ito habang iginigiit naman ni Sen. Francis Escudero na walang nilabag si Padilla. (Daris Jose)

Other News
  • FIFA ipinagpaliban ang desisyon sa hirit ng Palestine na suspendihin ang Israel

    PANSAMANTALANG ipinagpaliban ng FIFA ang kanilang desisyon na suspendihin ang Israel sa paglahok ng kanilang torneo.     Ayon sa FIFA , na hindi muna sila maglalabas ng anumang desisyon ukol sa hiling ng Palestine.     Hiniling kasi ng Palestine na suspendihin ang Israel at ang kanilang council dahil sa ginawang pag-atake nito sa […]

  • Karamihang biktima umano ni Quiboloy, pasok na sa witness protection ng DOJ

      TINUKOY ni House Appropriations Committee Vice-Chairman at Ako Bicol partylist Rep. Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ). Sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, kaugnay ng paghimay ng proposed budget […]

  • Tatlong bagong deputy speakers at iba pang opisyal ng Kamara, ipinakilala

    Tatlong bagong Deputy Speakers at iba pang opisyal ang hinalal ng kamara kahapon.   Ang mga bagong Deputy Speakers ay sina Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, Buhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza at Las Piñas Rep. Camille Villar.   Hinalal din si dating Batangas Rep. Mark Llandro “Dong” Mendoza bilang bagong Secretary-General, matapos na […]