• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Padrino system, no way sa DMW sa harap ng target nitong makapag-hire ng may 1 libong personnel ngayong taon

IGINIIT ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na no way sa kanila at hindi uubra  ang padrino system sa  harap ng 1 libong mga bakanteng posisyon na kanilang bubuksan ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Ople na  sa kuwalipikasyon ng isang aplikante sila titingin upang ito ay kunin para maging bahagi ng DMW.

 

 

Nais aniya nilang maging competitive at pairalin ang professionalism sa kanilang hanay kaya’t kanila aniyang ibabase ang pagkuha ng kanilang magiging empleyado sa qualification at hindi dahil sa backer o padrino nito.

 

 

Ang bubuksang mga posisyon ay gagawin sa harap ng kailangang manpower na inaasahang idedeploy sa 16 na regional offices ng Department of Migrant Workers.

 

 

“This year, we will also be establishing 16 regional offices. We also need to fill-up around 1,000 vacancies; so doon po sa gustong magtrabaho sa Department of Migrant Workers, pakiabangan na lang po iyong aming announcement ng vacancies which we will also need to clear and coordinate this information with the Civil Service,” aniya pa rin

 

 

Kaya sa mga nais aniyang pumasok sa DMW, ang pakiusap pa ni Ople ay ‘pakiabang’ na lang habang patuloy ang kanilang koordinasyon sa Civil Service Commission o CSC para sa gagawing pagpupuno sa may isang libong item sa kanilang Kagawaran.

 

 

“Of course, may need kami for lawyers, may need din kami for even entry level staff, iba-iba eh, something as basic as iyong social media team namin. So kung mayroon ditong aplikante, please let me know. Need din namin ng writers, so but siyempre mas klaro pati kung anong salary grade iyong mga qualifications, lahat iyan ilalabas namin in the spirit of transparency and  inclusivity and  even iyong mga  ex-OFWs, if they want to apply or even if they are abroad  and they want to apply. I mean, the door is open, iyon  na nga, ano lang, siyempre competitive iyan and we want a very professionally- run department,” litaniya ni Ople.

 

 

“So, iyong padrino system, puwedeng ano muna, we will look at the qualifications of each candidate,” pahayag ni Ople. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni dating Pangulong FVR

    PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa pamilyang naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos nang bisitahin ng una ang mga labi ng huli sa burol sa Heritage Park sa Taguig City.     Dumating si Pangulong Marcos  sa lamay  ng pasado alas- 10:20 ng umaga, araw ng Huwebes, Agosto 4, […]

  • Abogado ni Djokovic patuloy na ipinaglalaban ang health exemption visa nito

    DESIDIDO ang mga abogado ng gobyerno ng Australia na pauwiin si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Ibinunyag pa din nila na hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine ang 34-anyos na Australian Open defending champion.     Hindi rin tinanggap nila na kaya humingi ng medical exemptions ang abogado nito dahil umano mayroon siyang […]

  • Magbabalik-showbiz na ang asawa ni Luis; JESSY, makaka-partner ni GERALD sa upcoming series na ’Nobody’

    DAHIL sa sunod-sunod na pangagamit o mga pekeng audition ay naglabas ng press statement ang Star Magic, ang talent center ng ABS-CBN.       Tuloy-tuloy pa rin kasi ang tinatawag nating scammers sa showbiz.       Kami naman ay naniniwala na matitigil din ang mga ito kagaya ng kontrobersiyal na “pogo” na kung […]