• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAF, nag-deploy ng 2 helicopter units para tumulong sa relief operations sa Bicol region

NAG- deploy na ang Philippine Air Force (PAF) ng 2 helicopter units para tumulong sa relief operations sa Bicol region na nananatiling isolated dahil sa malawak na pagbahang iniwan ng nagdaang bagyong Kristine.

 

 

Sa situation briefing sa Palasyo Malacañang ngayong Biyernes, iniulat ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapadala na ang 205th Helicopter Wing at 505th Search and Rescue Group ng lahat ng rotary assets sa lugar.

 

 

Inatasan naman ng Pangulo ang military at uniformed services na pakilusin ang lahat ng manpower at resources para sa relief operations.

 

 

Sinabi naman ni Sec. Teodoro na kailangang panatilihin ang air bridge gayundin ang mga personnel na kanilang kailangan upang lahat ng apektadong komunidad ay mabibigyan ng tulong.

Other News
  • Ads September 28, 2021

  • Kyrie Irving nagbuhos ng 50-pts sa panalo ng Nets vs Hornets

    NAGBUHOS  ng 50 points ang NBA superstar na si Kyrie Irving upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa panalo laban sa Charlotte Hornets, 132-121.     Sa init ng kamay ni Irving nagpasok din ito ng siyam na three pointers upang tulungan ang Brooklyn na matuldukan ang apat na sunud-sunod na talo.     Batay sa […]

  • Drive thru vaccination sa mga tricycle drivers isasagawa sa Maynila

    Itatayo sa susunod na linggo ang isang drive-through vaccination sites para sa mga public utility drivers susunod na linggo.     Sinabi ni Vice President Leni Robredo na prioridad dito ang mga tricycle driver ng lungsod ng Maynila.     Maari rin itong buksan sa mga drivers ng mga transport network vehicle services.     […]