Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari aniya itong maging dahilan ng biglang pagdami ng COVID cases.
Nilinaw ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang RT-PCR test ay hindi kailanman naging requirement mula sa national government, at sa halip ay ang mga local governments aniya ang nag-require nito.
Hinggil naman sa pagtatanggal ng quarantine requirement, kinonsulta nila ang mga health professionals at iminungkahi ng mga ito na wala nang biyahero ang ire-require na sumailalim sa facility-based quarantine.
Tanging ang mga biyahero lamang na makikitaan ng sintomas ng sakit sa pagdating sa kanyang destinasyon ang isasailalim sa quarantine.
Sinabi rin ni Malaya na ang kritisismo ni Robredo ay ‘misplaced’ o wala sa lugar.
Ipinaliwanag niya na nang sabihin ng bise presidente na ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ang responsable sa pagkalat ng COVID sa mga lalawigan, ito ay noong mga unang araw pa lamang ng pandemic kung kailan mataas ang infection rates at mababa ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards.
Matapos aniya ang isang taon, mataas na ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards, mababa na ang bilang ng mga aktibong kaso at alam na ng mga mamamayan ang dapat gawin upang protektahan ang kanilang sarili at kanilang pamilya laban sa virus.
-
PRC kinuha ang Angkas para sa saliva test home service
Kinuha ng Philippine Red Cross (PRC) ang motorcycle taxi service na Angkas para maging katuwang sa ilang serbisyo nila. Sinabi ni Senator Richard Gordon na mapapalakas ang kapasidad ng Red Cross dahil sa tulong ng Angkas riders. Dagdag pa ng senador, dadaan sa pagsasanay ang mga riders kasama ang mga pamilya […]
-
Jamie Lee Curtis Has Hotdog Hands in ‘Everything Everywhere All at Once’
JAMIE Lee Curtis is adding to her Everything Everywhere All at Once transformation by sharing a new behind the scenes photo of herself with hot dog hands. Last seen in 2021’s Halloween Kills, Curtis will appear in the upcoming science fiction film, set to hit theaters on March 25, following its recent premiere at SXSW. […]
-
P5K, makukuha ng bawat pamilyang apektado ng bagyong Odette
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat pamilya na apektado ng bagyong Odette. Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mayroon namang sapat na pondo para sa cash aid sa mga Odette-hit families. “There are many of the poor who were affected. We […]