Pag-abswelto kay Revilla sa graft hindi namin iaapela
- Published on July 10, 2021
- by @peoplesbalita
Wala nang balak iapela ng Office of the Ombudsman ang pag-dismiss ng Sandiganbayan sa patung-patong na kaso ng graft laban kay Sen. Bong Revilla kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.
“The SB First Division voted 3-2 to grant Senator Revilla’s Demurrer to Evidence, AND WE RESPECT ITS DECISION,” ayon sa tanggapan ng Ombudsman, Huwebes, pagdating sa 16 kaso ng senador.
Ngayong Lunes lang nang iulat ang pag-clear kay Revilla kaugnay ng “kakulangan ng ebidensya,” hatol na ibinaba matapos pagbigyan ang kanyang demurrer to evidence na hindi na nag-obliga sa kanya na depensahan ang sarili.
Ang ganitong desisyon ng opisina ay ibinabase raw ngayon sa karapatang iginagawad ng Saligang Batas sa lahat laban sa “double jeopardy.” Tumutukoy ang double jeopardy sa pagsagot ng akusado ng dalawang bses sa parehong reklamo.
“Consistent with the defendant’s constitutional right against double jeopardy, Ombudsman Samuel Martires sets the policy of no longer challenging the dismissal of cases/quashal of information and judgments of acquittal, either through a motion to dismiss, a demurrer to evidence or by a decision, rendered by the trial courts or the Sandiganbayan except when the People was clearly deprived of due process or there was mistrial.”
Taong 2014 nang akusahan si Revilla ng pagbubuhos ng kanyang Priority Development Assistance Fund mula 2006-2009 patungo sa mga “bogus” non-governmental organizations ni Janet Napoles, dahilan para makakuha raw ang actor-turned-senator ng P224.5 milyong kickback.
Na-convict para sa plunder sina Napoles kasama ang aide ni Revilla ni Richard Cambe. Gayunpaman, idinismiss din ang kaso ng huli matapos niyang pumanaw sa kulungan.
Una nang inabswelto sa plunder si Revilla kaugnay pa rin ng parehong isyu. Maliban kay Bong, kasamang inaakusahan sa pork barrel scam sina dating Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Juan Ponce Enrile.
Miyerkules lang nang sabihin ni Jinggoy na makakatulong ang pagkakaabswelto ni Revilla oras na mapagdesisyunan niyang tumakbong senador para sa 2022.
Matatandaang tumakbo sa pagkasenador si Revilla taong 2019 at nanalo pa rin kahit na humaharap pa noon sa mga kaso kaugnay ng pork barrel scam. (Daris Jose)
-
Cariaso mananatili sa Converge
MANANATILI sa Converge ang coaching staff ng Alaska Aces sa oras na simulan ang kampanya nito sa PBA Season 47. Kabilang sa mga mananatili si Aces head coach Jeffrey Cariaso kasama sina Joe Silva, Danny Ildefonso at Franco Atienza. Nais ni team governor at dating PBA commissioner Chito Salud na makabuo muna […]
-
Venus Williams wagi sa unang round ng Wimbledon
Naitala ni US tennis star Venus Williams ang kaniyang ika-90 Grand Slam appearance ng magwagi ito sa unang round ng Wimbledon. Tinalo kasi ng 41-anyos na si Williams ang pambato ng Romania na si Mihaela Buzarnescu sa score na 7-5 at 4-6. Unang naglaro ang 41-anyos na si Williams sa Wimbledon […]
-
Ilang eksperto, inirekomenda ang pag-inom ng paracetamol sakaling makaranas ng adverse effect
PINAYUHAN ng mga health expert ang mga nagpabakuna laban sa Covid-19 na na uminom ng analgesics o paracetamol kapag nakaramdan ng Flu like symptoms o adverse side effect. Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Heart Association at cardiologist Dr. Orly Bugarin, na normal lamang talaga na makaranas ng panandaliang sakit pero pwede aniya […]