Pag-akyat sa Alert Level 4, posible-Nograles
- Published on January 10, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na posibleng itaas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang alert level sa mga lalawigan at lungsod dahil patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) cases.
Ito’y kapag dumating na sa puntong tumama na ang pigura sa parametro.
Ang pahayag na ito ni Nograles ay tugon sa tanong kung may tsansa na ipatupad ng pandemic task force aang alert level 4.
“Yes. Kagaya ng sinabi ko, kapag kinakailangan itaas ang alert level ng isang lugar saan man dito sa ating bansa, kapag tumama sa parameters ng ating Alert Level System ay ginagawa naman po agad natin,” anito.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang nakikipagpambuno sa napakabangis na surge sa COVID-19 cases na sinasabing nagatungan ng Omicron variant.
“Basta tumama sa mga parameters at kailangang i-escalate dahil tumama na nga po sa mga parameters, based on our decision metrics ay i-escalate,” ayon kay Nograles, nagsisilbi ring tagapagsalita ng IATF.
Nauna rito, kinukunsidera naman na ang Pilipinas na nasa “high-risk” para sa COVID-19 dahil sa “exponential increase” sa bagong infections simula nooong huling linggo ng Disyembre.
Nagbibigay ang IATF ng general alert level classifications kada matatapos ang dalawang linggo; ang kasalukuyang general classification para sa bansa ay Alert Level 2.
Subalit, sa paggamit ng proseso na binanggit ni Nograles, ang itinuturing na “more stringent status” na Alert Level 3 ay nakataas na sa National Capital Region (NCR)-plus (NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal) at 14 na iba pang lokasyon sa bansa.
Ang Alert Level System (ALS) para sa COVID-19 response ay five-tier risk classification system, ang itinuturing na “most stringent being Alert Level 5.” Papalitan nito ang region-wide quarantine classification system.
“Ginagawa natin iyan to restrict the movements, para po ma-restrict ang transmission at pigilan ang pagkalat ng COVID sa mga lugar na may nakikita po tayong mataas na bilang and that includes iyong two-week growth rate, that includes iyong average daily attack rate and that includes iyong hospital care utilization rate po natin,” ang pahayag ni Nograles. (Daris Jose)
-
Dating asawa na si Carla, in-unfollow na rin: TOM, balik-socmed na at nag-post ng nakaiintrigang photo
BINASAG na ni Tom Rodriguez ang pananahimik niya sa social media, nang mag-post siya ng isang nakaiintrigang photo sa kabila ng annulment rumors na ipa-file ng wife niyang si Carla Abellana. At balitang nagpapatayo na ito ng bagong bahay habang naghihintay pa siya ng buyer ng kanyang posh condominium unit sa Pasig City. […]
-
Imposibleng ‘one-on-one’ nangyari na sa ‘Korina Interviews’… KORINA, harap-harapang tinanong si KAREN kung bakit sila pinag-aaway
FOR the first time, sa isang sit-down interview, makakasama ni Korina Sanchez-Roxas si Karen Davila. “Bakit, sa tingin mo, pinag-aaway nila tayo?” Natulala nga ang broadcaster na si Karen dahil sa harap-harapan at hindi inaasahang tanong ng kapwa broadcaster na si Korina. “Pero bago mo sagutin yan… break muna tayo,” sabi ni […]
-
‘Yellow Rose,’ Which Stars Eva, Princess and Lea Will Be Streaming in the Philippines
YELLOW Rose, which stars Eva Noblezada and Lea Salonga, will be available for streaming on KTX.ph and iWantTFC, as well as on Cignal Pay-Per-View and Sky Cable Pay-Per-View starting January 29. This is 2 years after the film premiered at the 2019 Los Angeles Asian Pacific Film Festival. Watch the trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=6oI5sUWvFWo&feature=emb_logo The drama film follows Rose, […]